Kabanata 15

424K 16.8K 6.1K
                                    

Kabanata 15: Stay

Nagpalipas ako ng ilang minuto sa loob ng cr. Iniyak ko ang lahat ng dapat ay iiyak. Naghilamos ako at inayos ang aking sarili sa harapan ng salamin. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili bago lumabas.

Halos mapaatras ako nang makita si Jean na nakasandal sa gilid. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"Done?" She mocked. Umayos ito ng tayo bago mahinang tumawa. "Not yet?" Ngumisi ito bago ako hinilang muli papasok sa loob ng cr.

Kinabahan ako. Sa sobrang lakas ng pagtulak nya sa akin ay napasandal ako sa lababo at nasaktan ako sa impact no'n.

"What?" Kunwari ay iritang tanong ko kahit na parang isang kalbit lang ay muli na namang tutulo ang luha ko.

She shook her head. Kinagat nito ang kanyang labi at nakita ko ang panginginig ng kamay nya. "I want to slap you hard." Natatawa nyang sinabi.

Suminghap ako ng hangin. "Jean. I'm okay."

Tumawa ito bago lumapit sa akin. Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mata sa galit. Alam kong gustong-gusto nya na akong sampalin ngayon.

"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling? Nakakainsulto, Chels. Sa harapan ko pa mismo?"

"Lilipas din ito."

"You can make anyone believe in your lies but not in front of someone who has been with you in your darkest moments."

I bit my lower lip. I want to hug her right now. Kilalang-kilala nya ako at tama sya. Naroon sya nung nahuhulog pa lang ako hanggang sa tuluyan na akong nahulog. Nasaksihan nya kung paano ko minahal si Blaze at kung paano ako nasaktan dahil sa pagmamahal nya. She's been a witness to my sufferings.

"I still love Blaze,"

Natahimik kami matapos kong sabihin 'yon at mas lalo akong natatakot sa kung anong maaaring gawin sa akin ni Jean.

"It's okay," Napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at hinaplos ang aking mukha. "It's okay, Chels."

Tumulo ang luha sa aking pisngi na agad naman nyang pinunasan. Pigil ang pag-iyak ko sa harap nya.

"H-Hindi ko alam kung kaya ko syang kalimutan. God knows I tried." I shook my head. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko dahil nahihiya ako.

Narinig ko ang pagtawa nya. Hinawakan nya ang baba ko at inangat nya ang ulo ko. "I said it's okay, Chels. Hindi mo kasalanan." Hinaplos nya ang mukha ko.

Pumikit ako sa inis. "Kasalanan ko, Jean. Kasalanan ko kaya ako nasasaktan." Humahagulgol kong sinagot.

"Damn. I like how you handle this hard feelings. You never blamed anyone. You never blamed Blaze for what he did." Binitawan nya ang pagkakahawak sa mukha ko at ngayo'y ang balikat ko na naman.

"Ako naman talaga."

"Don't blame other people when you get hurt, blame yourself by thinking no one will hurt you."

Tumango ako. "What should I do, Jean? Hindi ako napapagod. Hindi kayang mapagod ng puso ko." Pagsasabi ko ng totoo.

Gusto kong mapagod pero hindi ko kaya. Ayokong dumating sa punto na dahil sa sobrang gusto kong makalimot ay makagawa ako ng hindi magandang bagay.

"One last chance..."

Natulala ako sa sinabi ni Jean. Niyakap nya ako nang mahigpit. "Piliin mo ang magpapasaya sa'yo. Huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Chels... Be true to yourself and for one last chance, stop pretending." She whispered.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon