Kabanata 26

335K 14.7K 6.2K
                                    

Kabanata 26: Enough

Natigilan ako sa paghakbang nang may maramdaman akong humawak sa braso ko. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ang namumulang mata ni Ryde.

Mukhang pagod na pagod sya...

"Can I talk to you?" I gulped when our eyes met.

"A-About what?" Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Sobrang hinahon no'n na maging ako ay nababahala.

Binitawan nya ang pagkakahawak sa braso ko at nag-umpisang bumalik sa kung saan ko sya nakita kanina. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang pag-usapan namin pero sumunod ako.

Nanatili ako sa likod nya. Ang bigat sa pakiramdam. Para akong lalagnatin. I have no idea what's happening to me. Ginugulo ako ni Ryde.

Huminto sya sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sa akin. Humangin kaya medyo nagulo ang buhok nya.

"Chels..." Parang kinapos ako ng hangin nang bigla syang humarap sa akin. Umawang ang bibig nito na parang gusto pang magsalita ngunit pinigilan nya ang sarili nya.

I didn't bother to open my mouth and I suddenly became voiceless in front of him.

"Don't cry again..." He said. Ngumiti ito sa akin. Bahagya syang lumapit sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko kaya naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. "Please. Don't hurt me again."

Namula ang gilid ng kanyang mata kaya binitawan nya ako. Bahagya syang tumalikod sa akin at nakita ko ang pasimple nyang pagpunas sa kanyang mata.

Damn... I need to say something. But what? I couldn't find any word to say right now. The guy standing in front of me now is not the guy I used to know. Hindi ko makita ang galak sa kanyang mata.

"What do you want, Ryde?" Finally. Nagawa kong magsalita.

Narinig ko ang pagsinghap nya bago humarap sa akin. Nanginginig ang kamay ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa mukhang may ideya na ako kung ano ang mangyayari ngayon.

"Can't you see?" Ipinakita nya sa akin ang phone nya. "I'm already trying so damn hard to forget you... My feelings for you."

"W-Why?"

"I don't want to say this but... Chelsea Vellarde. My Earth..." Nag-umpisang pumatak ang luha sa kanyang mata. "I love you."

Napanganga ako kahit na alam kong 'yon ang sasabihin nya. Nag-init ang gilid ng mata ko. Ngayon ay bumalik lahat ng alaala na inaasar nya ako. 'Yong mga panahon na si Blaze ang pinili ko.... Damn. Nasasaktan na pala sya no'n.

"R-Ryde..."

"Ssshhh... Don't reject me now... Just not now. I need to prepare myself." Mahinang tumawa ito.

Madiin nyang pinunasan ang kanyang luha sa mata. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Kanina ko pa nararamdaman ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"I want the best for you and the best for you is my biggest breakdown."

May kinuha sya sa kanyang bulsa. Sinindihan nya ang sigarilyo. Nanginginig ang kamay nya na hindi nya magawang hawakan ng maayos 'yon. Bumuga sya ng usok sa hangin.

"Smoking is dangerous to your health, Ryde."

Tumawa sya sa sinabi ko. "Smoking is dangerous but you're a poison that already killed me." He shook his head.

Napaupo ako nang malanghap ang usok mula sa kanyang sigarilyo. "Fuck..." Binitawan nya ang sigarilyong hindi nya pa nakakalahati at inapakan 'yon.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon