Kabanata 31

365K 14.8K 5.5K
                                    

Kabanata 31: Messages

Tahimik lang kami buong byahe. Iniiwasan ko rin na magtama ang mga tingin namin ni Blaze dahil alam kong kanina pa sya pasulyap-sulyap sa akin. Maging ang tingin ni Jean ay iniiwasan ko. Wala akong nagawa kundi ang isandal ang likod ko at ipikit ang mata ko, magkunwaring tulog.

I know it was my fault. Kaya nya ako nasigawan ay dahil sa mga sinabi ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo Manong, h'wag kang kakain ng mamantikang pagkain." Dinig kong sinabi ni Blaze.

Nanatiling nakapikit ang mata ko.

"Pasensya na, masarap ang bawal eh." Sagot ni Manong kasabay ng medyo malakas na tawa nya.

Naramdaman kong gumalaw si Ram na nasa pagitan namin ni Jean. "Anong masarap sa bawal kung ikapapamahak mo lang ito?" Biglang tanong ni Ram.

Gusto kong matawa kasi alam kong medyo malabo pa sa kanya ang mga ganito. Sa pagkakaalam ko ay high school student lang si Ram kaya wala pa sya gaanong alam sa ganito.

"Lahat ng bawal ay maaari mong ikapahamak, Ram." Natatawang sagot ni Manong.

Bahagya kong iminulat ang mata ko na sana ay hindi ko na lang ginawa. Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Blaze. Nakasilip sya sa rear-view mirror ng sasakyan. Umayos ako ng upo at binalin sa labas ng bintana ang tingin ko.

"That's it! Pero bakit mo pa rin gagawin ang bagay na ikapapamahak mo lang? I don't get it."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jean, "Baby boy ka pa kasi kaya mahihirapan kang intindihin." Sabi niya.

Binalingan ko sila ng tingin. Masyadong nakadikit sa akin si Ram na kulang na lang ay kumandong na sa akin. Malaki ang puwang sa pagitan nila ni Jean na animo'y ayaw nilang magdikit ang kahit na anong parte ng katawan nila.

"I'm not a baby boy anymore! In fact, I can already get a girl pregnant!"

"Ramez!" Nagbabantang sinabi ni Blaze dahilan ng pagtahimik ni Ram. Humalukipkip ito at umupo ng maayos.

"Ano nga ang tanong mo Ram?" Tanong ni Manong.

"Bakit ka susugal sa bawal na maaari mo lang ikapahamak?"

"Dahil sa kasiyahan na hindi mo makukuha kung lilimitahan mo ang sarili mo." Maikling sagot ni Manong.

"Oh? Can't we be happy without crossing lines? In that case, we can also avoid getting hurt!" Masaya niyang sinabi.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Bumagal ang takbo ng sasakyan namin dahil malamang na madulas ang daan at nag-iingat lang si Blaze.

"There are things you'll never get if you'll lock yourself inside your room." Napatingin silang lahat sa akin. Nilakasan ko ang loob kong tumingin kay Ram. "You will also get hurt whether you like it or not. That's part of our life, Ram."

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil naging tahimik silang lahat. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko na humantong sa muli ko na lang pagpikit ng mata. Agh! Awkward. Buong byahe ay ganon lang ako.

Dumaan muna kami sa bahay nila Blaze para ihatid si Ram bago kami dumiretso sa school. Bumaba kami do'n nila Jean at Blaze habang si Manong na ang bahalang magmaneho pabalik sa bahay nila. Malapit na lang naman 'yon at sa tingin namin ay ayos na siya.

"Papasok pa kayo?" Tanong ni Blaze nang mapansin na may dalawa pang subject ang naabutan namin. "Excuse naman tayo kaya kung gusto nyong umuwi ay ayos lang." Nagulat ako nung ngumiti ito.

Umiwas ako ng tingin.

Kakadating lang din ng van nila Blaze at bumaba roon ang mga kasama namin.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon