Kabanata 27

357K 14.5K 3.2K
                                    

Kabanata 27: Realization


Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Jean na nakasandal sa puno. Nakatingin ang mga mata nya sa akin. May hawak itong dalawang alak. Naglakad sya papunta sa akin kaya nanatili ako sa aking pwesto.


"Gusto ko sanang maglasing ngayong gabi. Pwede mo ba akong samahan?" Ngumuso ito habang ipinapakita ang dalawang beer na hawak nya.


Natawa ako sa sinabi nya bago tumango. Pumunta kami sa parking lot at umupo sa harap ng sasakyan namin. Napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan. Nakakalula ang dami ng mga bituin at kung paano ito kuminang.


Binuksan ko ang beer na hawak ko at tinungga 'yon. Kumapit ang mainit na tubig sa aking bibig papunta sa aking lalamunan. Hindi ko maramdaman na mapait 'yon. Parang tubig lang na malamig.


"Pwe!" Napatingin ako kay Jean. Namula ang mukha nya habang nakangiwi. Tumingin sya sa akin. "Ba't ba gustong-gusto nila ang alak? Bukod sa hindi masarap ay nakakalasing pa?" Sinubukan nya ulit na uminom do'n. Mas lalong namula ang mukha nya nang lunukin.


Tumawa ako sa reaksyon nya. "Akala ko ba gusto mong malasing? Paano ka malalasing kung juice ang iinumin natin?" Biro ko sa kanya.


Umayos ako ng upo bago muling uminom sa hawak ko. Sobra pa ring bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa man ako lasing ay inaantok na ako. Wala naman ako gaanong ginawa ngayon ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Oo nga pala... Umiyak ako. 


"Nakakapagod pala ang umiyak?" Tanong ko. 'Yon lang kasi ang ginawa ko para maramdaman ang ganito.


"Eh ba't kasi umiyak ka?"


Muli kong tinungga ang alak sa bibig ko. Hinabol ko ang hininga ko matapos uminom no'n. Kahit na malakas ang ihip ng hangin ay hindi ko magawang lamigin.


"Para linisin ang mata ko at malinawan?" Natatawang sagot ko.


Tumingin sya sa akin. Nakataas ang dalawa nyang kilay. "Nalinawan ka naman?" Tanong nya. Nagkibit-balikat lang ako dahil hindi ko rin alam. Kung nakakalinaw lang ng paningin ang pag-iyak eh ba't hanggang ngayon ay bulag pa rin ako na hindi nya ako minahal?


"Chels? Ngayon ko lang ito sasabihin sa'yo," seryosong sinabi ni Jean habang nakatingin sa aking mata. Bahagya akong natawa dahil sa sobrang seryoso nya. "Ang ganda mo," bulong nya habang nakangiwi. "'Yon lang. Maganda ka lang, Chels. Pero ito?" Itinuro nya ang ulo nya. "Kinulang ka."


Natawa ako sa panlalait nya. Akala ko pa naman ay makakarinig na ako ngayon ng papuri mula sa kanya nang walang hinihinging kapalit. Sumandal ako sa balikat nya at muling uminom sa boteng hawak ko.


"Ang daya ni Blaze," pumikit ako nang mag-init na naman ang gilid ng mata ko. "Hindi naman nya ako pala minahal." Nagbadya na naman ang luha sa aking mata ngunit ginawa ko ang lahat para hindi 'yon pumatak.


Ang sakit isipin na mag-isa lang pala ako no'n. Ako lang ang nagmahal. Ako lang ang naging masaya sa tuwing magkasama kami. Ako lang ang ngumingiti. Ako lang ang nasaktan. Siya? Wala. Bakit naman sya magiging masaya kung lahat ay pagpapanggap lang?

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon