Kabanata 35

348K 14.9K 3.9K
                                    

Kabanata 35: Breathe

Matapos ang lunch ay nagpahinga na muna kami bago napagpasyahan na maligo na sa mga pool. Nakaupo lang ako sa edge ng pool at nakatingin sa mga kasama naming nagkakasayahan. Kahit saan ako lumingon ay mga talsik ng tubig ang bumubungad sa akin. Hindi ko na nga kailangang lumusong sa tubig dahil basa na rin ako.

"You don't swim?" May halong panunuyang tanong sa akin ni Paula. Napapikit ako nang ihampas nya sa akin ang tubig mula sa pool. "You don't know how to swim!" then she laughed. Nakatingin lang sa amin si Lyn na nasa gilid niya.

Hindi ako umimik.

"I am willing to teach you!" Napatingin ako sa isang lalaking umahon mula sa tubig. Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase siya ni Blaze dahil nakita ko na rin sya minsan na kasama nila.

Umusod ito ng konti palapit sa akin.

I shook my head, "Marunong ako. Mamaya na lang." Maikli kong sagot.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong naglalaro ng tubig ang grupo nila Ryde kasama si Blaze. Habang si Jean naman ay nakatingin lang sa kanila. Gusto ko ng bumalik sa loob pero baka sumunod lang si Jean at masira ko ang mood niya.

Kumunot ang noo ko nang tumama na sa balikat ko ang katawan ng lalaking nagprisintang turuan akong maligo. Ngumiti ako sa kanya bago umatras ko konti. Tumawa ito sa ginawa ko. Hindi ba nya maramdaman na umiiwas na ako?

"Come on, Miss Vellarde. Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" Turo nya sa iba naming kasama na kasama ang kanilang boyfriend. Kumunot ang nook o bago ibinalik sa kanya ang tingin ko.

Damn. He's flirting with me.

"Wait..." Pumagitna sa amin si Jude at hinawi ang lalaking makulit. Umpo sya sa pagitan namin. "Gusto mo ba ng gulo?" Tanong ni Jude sa kanya.

Mahina lang na tumawa ang lalaki, "Come on, Jude Clavez. I am just being friendly to her. Can't you see? She's alone here." Nakangising sabi niya.

Hindi ako umimik. I'd rather be alone here than to have his accompany. I am not interested.

"Well, I'm here now. You may leave us alone." Bakas na ang inis sa boses ni Jude. "Damn. He's not in a mood.... I am telling you." Tumagos ang tingin ni Jude sa likod nila kung nasaan si Ryde na nakatingin sa amin.

His eyes met mine and it gives me uneasiness. Mabilis na umiwas ako ng tingin at sumuong sa tubig. Lumusong ako sa pinakailalim ng pool at hindi agad umahon. Kumirot ang dibdib na syang nagpasikip ng dibdib ko kaya napabilis din ang pag-ahon ko.

Suminghap ako ng hangin bago inayos ang buhok ko. Sinalubong ako ni Jean kasama sina Quin at Fairy.

"We need 4 members to play tonight for the game," bungad sa akin ni Quin.

"Count me in," Masayang sabi ni Jean.

"Not me, I don't play hide and seek." Pagtanggi ni Fairy.

Umawang ang bibig ko, "I am not in a mood to play too." Sagot ko.

Quin rolled her eyes, "It's still tonight! Come on, Chels. Baka naman mabago pa ang mood mo mamaya."

Nakita ko agad ang mapanuring mata ni Jean. Bakit ba ang bilis nyang makahalata pag dating sa ganito?

Inubos namin ang natitirang oras sa paglangoy. Walang gustong umahon sa amin dahil masyadong malamig. Buong oras ay nakababad lang kami sa tubig. Iniiwasan ko ring mapagawi sa lugar nila Ryde.

"May palaka!" Mabilis na lumayo ako sa likod nang sumigaw si Jean.

Mabilis naman na tumalon ang palaka palayo na malamang ay natakot sa sigaw ni Jean. Hindi naman sya pumunta sa tubig dahil batuhan 'yon. Sinamaan ko ng tingin si Jean.

Trapped (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon