Pansamantala muna ako ay lalayo
Upang mabawasan itong kirot ng aking puso
Na sayo ay aking natamo
Nang di sinasadyang ikay ibigin koHindi ko alam kung bakit sayo pa nagkagusto
Gayong sa simula palang alam ko na ang totoo
Kailan at paano nga ba nagsimula ito?
Sana nalaman ko na agad ng di na umabot sa ganitoDahil ba sayong tingin na malalagkit
Kaya nagawa mong sa akin ay makalapit
Oh sadyang ako'y naging marupok kaya sayo'y naakit
Tuloy pihikang puso iyong nasungkitAt dahil damdamin ay di naman pwedeng ipilit
Dahil sa puso mo'y may iba ng nilalangit
Mas mabuti pang ako muna ay pumihit
Nang hindi ako masaktan ng paulit ulit04.27.17
10am
![](https://img.wattpad.com/cover/107129999-288-k288363.jpg)
YOU ARE READING
MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy
PoetryPwedeng basahin .. pwede rin namang hindi. . Basta ang alam ko lang gusto ko magsulat.. AhahAha! P.S. Kung di ka emotera wag ka na bumisita.. maiinis ka Lang sure na😂😂😂