Dito sa malaki at napakagulong nating mundo
Makasumpong ka nawa ng pag ibig na totoo
Iyong pag ibig na hindi manloloko
Sa halip ay marunong makuntento.Iyong pag-ibig na kaya kang ipaglaban
Dumaan man sa pagsubok, di ka iiwanan
Iyong pag-ibig na kaya kang maunawaan
Na sa bawat pagkakamali, hindi ka mahuhusgahan.Iyong pag-ibig na sigurado
At hindi pabago bago
Iyong pag-ibig na may respeto
Iyong mamahalin ka hanggang dulo.@rowz2212
08.10.2020
20:02/thurs
![](https://img.wattpad.com/cover/107129999-288-k288363.jpg)
YOU ARE READING
MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy
PoetryPwedeng basahin .. pwede rin namang hindi. . Basta ang alam ko lang gusto ko magsulat.. AhahAha! P.S. Kung di ka emotera wag ka na bumisita.. maiinis ka Lang sure na😂😂😂