Pusong labis na pinakaiingatan
Damdaming di nais mapaglaruan
Bulong ng puso'y pilit nilalabanan
Sa labis na takot na muling masaktan.Ngunit katulad ng larong taguan
Kahit anong siksik sa pinagtataguan
Para lamang hindi ka nya matagpuan
Ika'y kanyang nakita ng hindi inaasahanTadhanang mapagbiro kayo'y pinagtagpo
Kayang binuhay ang damdaming tinatago
Puso'y muling tinuruang umibig ng totoo
Mundo'y kinulayan na dati'y nagkulay aboNgunit lahat ng ito'y isa lang palang panandalian
Sapagkat sa kanya ikaw lamang ay libangan
Tama! ika'y kanya lamang pinaglaruan
Kaya't masasayang sandali ay dapat ng tuldukan.Isa. . Dalawa. . . Tatlo..
Paa'y ihakbang mo na palayo
Kahit masakit ika'y humayo
Kahit pa luha'y muling tumulo.Apat. . . Lima. . Anim..
Siya'y huwag na muling lingunin
Damdamin mo'y muling patigasin
Kahit pangalan mo'y kanyang tawaginPito. .walo.. siyam..
Unti unting limutin ang nakaraan
Masaya,malungkot o kahit ano pa yan
Ala ala nya'y piliting huwag muna balikan
YOU ARE READING
MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy
PoetryPwedeng basahin .. pwede rin namang hindi. . Basta ang alam ko lang gusto ko magsulat.. AhahAha! P.S. Kung di ka emotera wag ka na bumisita.. maiinis ka Lang sure na😂😂😂