Para Sayo Naman

18 2 0
                                    

Sa mundo mo at sa mundo ko
Ang pagtula ay hindi na bago
Kaya di alam kung pano sasabihin sayo
Dadaanin ba sa tula o ibubulong nalang ito.

Sa bawat pagpatak ng pagluha ko
T - shirt mo ang laging bimpo ko
Balikat mong napuno na ng kalyo
Sa akin ay laging handang sumaklolo

Madalas man tayo di magkasundo
Lalo na kung nasa mood ako ng siryoso
Magalit man ako sayo ng totoo
Hala! Ginayuma mo ata ako kaya bumabalik pa rin sayo

Pero ito talaga ang totoo
Wag kang ngumiti ako na ay siryoso
Makinig ka sa sasabihin ko
Dahil ako ay minsan lang kumeso

Salamat sa pagpapasaya mo
At ganun din sa pagpapaluha mo
Salamat sa pagluto ng pagkaing paborito ko
Kahit di ko naman nakakain ng totoo

Lagi man kita binubully pag magkausap tayo
Ganun lang talaga ko pag importante sakin ang tao
At kung dumating man araw na kinatatakutan mo
Tandaan mo magagandang alala lang ititira ko sa puso ko

05.05.17 5am

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now