062119

4 1 0
                                    

Hawak ang pinakapaboritong kamera
Inaayos at itinutok ang lente sa kanila
Hahanapin ang anggulo na pinakamaganda
At doon muling sisimulan ang aking obra.

Sa bawat pagkislap ng munting liwanag
Isang damdamin muling maipapahayag
Ito'y rerehistro sa tinatawag na litrato
At doon mabubuo ang isang kwento.

Sabi nila hilig kong ito'y walang kakwenta kwenta
Hindi raw ito makakabuhay ng isang pamilya
Ngunit lahat ng masasakit na salita'y 'di ko ininda
Dahil alam ko sa sarili ko, na dito ako masaya.

Kaya hawak ang aking Mahal na kamera
Patuloy na isasalin sa maliit na papel ang alala
Ipapaloob ang bawat kwento ng bawat isa
Mga pangyayari na hindi na muling mauulit pa.

Ngunit gamit ang aking mga obra
Kahit panahon man ay lumipas na
Mga ala ala'y muling masasariwa
At ito'y ipagpapasamalat sa aking mahal na kamera.


MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now