Hindi pa man nagagawang isilang sa mundo
Kasabikan ay di na maitago sa kanyang puso
Bakas sa mga mata ang ligayang dulot mo
Tila sinasabing “ikaw ang kayamanan ko”Isang kayamanan na buong pusong iniingatan
Ginagawa ang lahat upang ika’y maprotektahan
Walang ibang nais isipin kundi iyong kapakanan
Kahit pa nga ikaw ay nasa kanya palang sinapupunan.Sa araw araw pagkatao niya’y napupuno ng panananabik
Lalo na kapag nararamdaman ang iyong pag galaw at pagsiksik
Minsan sa sakit ay bigla na lamang napapapikit at napapa igik
Ngunit mababakas pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.Kanyang pinakahihintay ay nalalapit na nga
Masisilayan na, ang iyong maamong mukha
Panalangin sa Dios, sa pagsilang gabayan ka Niya
Kasabay ng pangako na iingatan at mamahalin ka din ng kikilalanin mong Ina.10.04.18
3pm
![](https://img.wattpad.com/cover/107129999-288-k288363.jpg)
BINABASA MO ANG
MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy
PoetryPwedeng basahin .. pwede rin namang hindi. . Basta ang alam ko lang gusto ko magsulat.. AhahAha! P.S. Kung di ka emotera wag ka na bumisita.. maiinis ka Lang sure na😂😂😂