"You Belong with Me"

13 2 0
                                    

Minsan may nagtanong sakin
Bakit daw ikaw pa napili kong ibigin
Sa kanyang mata hindi ako makatingin
Dahil alam ko ang nais nya tumbukin

Bakit nga ba ikaw ang napiling mahalin
Gayong alam kong akoy malabong mapansin
Malayo sa babaeng iyong papangarapin
Ung tipong tahimik, kimi at mahinhin

Kamay ko'y kanyang hinawakan
Tenga ko'y kanyang binulungan
"Bakit ba sarili mo'y hilig mong saktan"
Ano ba ang dahilan at di mo sya mabitawan?

Sa sarili yan din ang katanungan
Bakit puso ko'y hindi maturuan?
Kahit masakit na di kita mabitawan?
Patuloy na nalaban kahit walang pinaglalaban.

10.07.17
830pm

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora