- gubi gubi Mode -

16 1 0
                                    

Naranasan mo na ba..
Yung ang dami natakbo sa isip mo
Pero pag tinanong ka biglang blangko
Tipong hindi mo alam yung isasagot mo
Kaya iiwas ka nalang sa mga tanong sayo

Naranasan mo na ba ...
Yung gusto mong mapag isa
Pero gusto mo din may kasama
Tipong gusto mo ng tahimik na mundo
Pero pwede bang huwag moko iwan dito

Naranasan mo na ba..
Yung akala nila tinutulak mo sila palayo
Pero ang totoo hindi naman talaga ganon ang iyong gusto
Tipong magulo lang talaga kase ang takbo ng isip mo
Pero sa huli hinihiling mo pa din na sana alam nila to'

Naranasan mo na ba..
Yung akala mo naiintindihan ka nila
Pero ang totoo iniintindi ka lang pala
Tipong sasakyan lang ang iyong emosyon
Pero di naman nila aalamin ang pinagmulan non.

Naranasan mo na ba..
Ang mga bagay na ganito..
Pero ayaw mong ipaalam sa kahit sino
Kaya itatago mo nalang hanggat makakaya mo
Umaasa na kahit di ka magsalita, may isang tao ng
Makakaunawa ..
MAKAKAUNAWA at hindi ang MAAAWA.

19.10.17
11:53

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now