WALA KANG ALAM

7 1 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng mga luha ko
Sa bawat hikbi na itinatago ko sayo
Sa bawat kirot na nararamdaman ko
Oo nakita mo ngunit ni minsan hindi mo sinubukan alamin kung sino ang dahilan nito.

Paulit ulit mong inisip na sya ang dahilan
Sarili mo lang damdamin ang naging basehan
Naging bingi ka sa sinasabi ng tao sa kapaligiran
Hinusgahan moko ng walang kalaban laban.

Lahat sila nakita kung pano ka sakin naging mahalaga
Kung pano kita minahal kahit madalas ang sakit sakit na
Pero lahat ng yan kahit kailan hindi mo makikita
Dahil wala kang panahon para alamin ang tunay kong nadarama.

Palagi mong iniisip na sinasaktan kita
Palagi mong sinasabi na sya ang mas mahalaga
Pwede bang kahit minsan bumaba ka naman.
Baka sakaling marinig ang  pag iyak at paghikbi ko'y ikaw ang syang dahilan.

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu