16.02.2020

6 1 0
                                    

Maari ngang hindi ako katulad ng iba
Totoo hindi ko kaya ‘yong ginagawa nila
Kaya nga hindi ako nakikipagkompitensya
Sapat na sakin yung masabi kong mahalaga ka.

At sa bawat letra ng salitang mahalaga ka
Nakapaloob don ang salitang importante ka
At kapag importante ka, ibig sabihin mahal kita.
At kung mahal kita, oras ko’y ibinibigay ko na.

Handa na akong makinig sa bawat mong pananahimik
Handa na akong tabihan ka, kahit pa hindi ka umiimik
Handa akong intindihin ang pagpatak ng luha kada pagpikit
Handa ng ipahiram ang balikat ko, promise ‘di yan mangangawit.

Oo, Handa na kitang samahan hindi lang sa masasayang eksena
Hindi ko hahayaang sa madilim na daan, lumakad ka ng mag isa
Hanggat kaya ko sasamahan kita basta dala tayong kandila ah!
Kamay mo’y hindi ko bibitawan, hanggat sakin ay mahalaga ka.

Maari ngang hindi ako katulad ng iba
Totoo hindi ko kaya ‘yong ginagawa nila
‘Yong ipagsisigawan pa sa iba na “sakin ay mahalaga ka”
Ikaw kase ‘yong mas gusto kong makaramdam at hindi sila.

16.02.2020
10:30 am
-Ate Soy

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now