Sino si Nanay ?

6 1 0
                                    

Si nanay ung tipo ng nanay na tahamik at hindi pala imik.
Yung hindi masalita pero kapag nagsalita lahat kami'y namumutla.
Lalo na kapag isa samin ay narinig nyang umiyak o nag away bigla.
Dahil sigurado lahat kami, ay may tig iisang kurot o palo, pero walang pasa😉

Si nanay ung tipo ng nanay na kapag may nagawa kang mali pagagalitan ka.
Kaya huwag ka ng umapila, o sumubok na magpalusot pa sa kanya
Dahil kahit anong gawin mo, sa kanya hindi yan bebenta
Tanong nyo pa sa pangatlo at panglima kong kapatid, di ba?😏😎

Ngunit ito ang bagay na hinahangaan ko talaga sa aming nanay.
Na magpapatunay ng sobra pa sa sobra ang pagmamahal nyang tunay
Na aming ipagpapasalamat habang kami'y nabubuhay
Dahil binigyan kami ng Panginoon ng ganitong nanay.

Si nanay ung tipo ng nanay na kahit gano ka pa kapasaway
Hindi sya kailan man nagsawa na samin ay umalalay
Sya ung tipo ng nanay na kahit paulit ulit kang sumuway
Andyan pa din at hindi kailan man bumitaw sa pag gabay.

Maraming beses man naming syang nasasaktan
Pero ni minsan hindi nya kami sinumbatan
Bagkus kami'y paulit ulit na binigyan ng kapatawaran
At iparamdam na hindi nya kami kailan man bibitawan.

Kaya sa tanong na sino nga ba si nanay?
Ano nga ba ang halaga nila sa ating buhay?
Kung di mo pa rin alam, pwede kang magnilay nilay
Basta ako ang alam ko, mula noon at hanggang ngaun kadugtong kami ng buhay ni nanay

15.12.19
22:30
@rowz2212
#JellyPoems
#SakitanSquad

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang