Inlove with you

1 0 0
                                    

Minsan mayroong nagtanong sakin
Hanggang kailan daw kita mamahalin
Ano daw ang mga handa kong gawin
Huwag ka lamang mawala sakin.

Sa kanya ako'y masayang tumingin at ngumiti
Deretchong sa mata na sumagot ng walang pangingimi
Lahat ay gagawin upang sakin, siya ay manatili
Ipararamdam sa tuwina na siya lamang ang itinatangi.

Mahalko kung dumating ang oras na sakin ika'y unti unting lumayo.
Susunod ako at kamay mo'y aking hihilahin pabalik sa kung meron tayo.

Kung dumating ang araw na hindi na ako ang priority mo,
Tandaan mo mananatili akong andito para sumuporta sa iyo.

Kung dumating ang araw na hindi na ako ang mahal mo,
Paulit ulit kong ipaparamdam sayo na handa akong magbago para maging karapat dapat ulit dyan sa puso mo.

Hindi ako magsasawang suyuin ka dahil mahal na mahal kita.
Dahil ipinakita mo sakin ang ugaling sayo ko lamang nakita.
Ipinaramdam sa akin na ako'y mahalaga at importante sayo sinta.
Kaya't hindi sasayangin ang pag ibig na
binuo nating dalawa.

08.28.2020
@rowz2212
      14:20

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now