kumusta..

4 1 0
                                    

Kumusta??
Kung sasabihin ko ba ang totoo
may oras ka bang makinig sa
totoong nararamdaman ko?? Maglalaan ka ba kahit ilang
minuto para intindihin ako
na alam kong mahirap gawin
dahil minsan di ko din
naintindihan sarili ko..
unawain ako sa abot ng iyong makakaya ??..
maipapangako mo ba na kahit
parang nag iinarte lang ako hindi
mo hahayaan na maunahan ka ng inis??? Di ka ba magagalit kung
maramdaman mong nagiging
mahina na naman ako at takot??
Di mo ba ko sasabihan na para
na naman akong bata na
napakababaw kung mag isip?? Di
mo ba iisipin na napakamakasarili
at bakit di ko magawang intindihin
ang mga bagay bagay??? Hindi ka
ba mababagot kung sakaling
maramdaman mong wala naman
patutunguhan ang usapan na to
dahil paulit ulit Lang..

....Kung isa dyan sa mga katanungan
na yan ay di mo kayang masagot
o di ka sigurado sa magiging sagot mo..

Alam ko na kung ano ang isasagot
ko sayo sa tanong mong
"kumusta ka na? "
..OK LANG AKO . PERO MAARING
BANG HUMINGI NG ISANG YAKAP"

MGA PUCHU PUCHUNG TULA Ni Soysoy Where stories live. Discover now