Chapter 1

17.4K 227 78
                                    

Grace POV

"Hoy Maria! Utang niyo barayan niyo!" Sigaw sa amin ni aling Fekyu

"Ate, fekyu!" At tsaka ako kumaripas sa pagtakbo.

Grabe naman si aling fekyu, makakabayad naman kami ng utang eh. Sinigawan pa kami ni Buboy.

"Buboy wag mong pakikinggan si Aling fe ha? May pambayad na tayo, tinatamad lang ako magbayad. Okay?"
Sabi ko kay Buboy.

"Fekyu ka ate. Fekyu!" Hindi ko alam sa kapatid ko at fekyu lang ang bukang bibig. Gusto ko sana kurutin ang pututoy niya at iwanan sa kalsada kaso tinamad ako.

"Buboy, hindi ako si aling Fekyu. Ako si ate Grace." Hindi ako pinansin kundi nilaro nalang ang pututoy niya.

Naglakad na kami pauwi pagkatapos naming bumili ng bigas. Walang-wala na kami tapos si tatay may TB pa. Sabi ko nga ibenta niya nalang o kaya ipagamit saamin yung TB niya. Kaso pinagbawalan kami ni doc. sabi niya daw nakakahawa daw at malubhang sakit. Naawa ako sa kalagayan namin. Haystt.

Pag uwi ko nadatnan ko ang magkakapatid sa sala nakaupo at nag-uusap.

"Hoy pipay, ano nanaman 'yang chismis mong napulot?" Tanong ko kay Pipay. Aba, inirapan ako.

"Si aling fe daw nakipaghalikan sa baka natin kaya ayun nagkasakit yung baka natin at si aling fe."

"Hala kawawa naman. "

"Sino? Si aling Fe?"

"Hindi, naawa ako sa baka."

"Naawa nga rin kami ate eh. " sabi ni Kikoy.

"Nakita niyo bas si tatay, Pipay, Popoy, Kikoy, Mannuel, Agatha?" O diba? Nakakaloka. ang dami kong kapatid. Kulang pa si buboy. Sabi ko nga kila nanay at tatay kung gusto pa nilang gumawa, gawa lang sila. Sabi nila wag na daw nakakahiya naman daw saakin. Sabi ko naman sa kanila na h'wag silang mahiya at ang onti pa namin. Sabi naman nila 'next time nalang anak, tinatamad kami eh'. Oh diba? Tinamad ang gaga.

"Nasa k'warto ate." Sabi ni Mannuel. Buti pa 'tong batang 'to tahimik at marespeto. Hindi katulad nila Pipay at Popoy madalas akong iniirapan at binabara.

"Ate, wag ka muna palang papasok nag-aano si tatay." Natatawang sabi ni Kikoy. Maloko 'tong batang 'to eh.

"Nag-aano?" Naglakad na ako papunta sa kwarto ni tatay. Pagbukas ko. Aba! Nagjajak-l si tatay.

"Tay naman, anong naiisip niyo at nagjajak-l ka ? Mabebenta ba 'yan?"

"Wait lang anak. Matagal tagal na kasi kaming hindi nakakapag exercise ng nanay mo." Kalande ng aking mga magulang. Sarap ipasabak sa gera para sa pilipinas.

Hinayaan ko nalang siya. Baka sakaling pahiramin saamin yung TB niya.

Nagluto nalang ako at tsaka pinakain ang mga kapatid ko. Mahirap man sa buhay, nagmamahalan kami. Kaya nagtatrabaho ako para mapag-aral ang anim kong mga kaptid. Hinding hindi ko sila ipagpaplit sa pera—pwera lang kay Pipay at Popoy, Charrot!

Ang drama ko Putaena.

Pagkatapos kumain nag prisenta na si Agatha na maghuhugas at magliligpit.
Sila Popoy, Kikoy, Mannuel ay nasa bukid na. Si Pipay ay pinapatulog na si Buboy. Habang ako ay inaayos na ang mga ilalako ko.

Ang mga ilalako ko ay puto, kutchinta, kakanin. Yung kinakanta nung mga nasa labas. Maganda kasi ako, gaya-gaya at plastic.

Araw-araw nabebenta lahat ng nilalako ko. Tinatakot ko kasi sila na kapag hindi sila bumili ay ipapalapa ko sila sa alaga naming aso. Takot nalang nila sa aso namin.

Ready na akong lumabas ng bakuran nang biglang humarang saakin si Aling Fekyu.

"Maria Gracias Batumbakal, magbayad na kayo o kukunin ko sa inyo ang bukirin. Isang Buwan, bibigyan kita ng isang buwan para magbayad ng 69,000" sabay irap ni aling fe.

"Hindi naman po namin kaya yung ganuong kalaking pera. Pinagkakasiya lang po namin ang mga gastusin sa mga kinikita namin. Binabayaran naman po namin kayo. Gipit lang po kami ngayon." Ani ko.

Kahit nakakabenta ako araw-araw, hindi parin sapat saaming pitong magkakapatid at sa ama kong may sakit ang pera. Paano pa kaya sa 69k na pinapabayaran ni aling fe.

"Gumawa kayo nang paraan. Kung hindi niyo ako mababayaran. Bye-bye bukid ka na." Tuluyan nang umalis si aling fe. Naiiyak na nahihirapan akong huminga. Pota! Mali ata nilagay kong bra, kay Pipay ata ito. Pero feeling ko naninikip ang puso ko at hindi ang dede ko. Nakakaiyak. Ito lang ang naipundar namin at kukuhanin pa sa amin? Napaupo nalang ako sa sahig at tuluyang tumulo ang mga luha ko.

"Iha, narinig ko na mayroon kayong pangangaylangan sa pera. May trabaho akong alam sa Maynila na pwede mong pagtrabahuhan. Malaki-laki rin ang kita dito." Tumingala ako sa aleng nakahawak sa balikat ko. Ano naman kaya yung trabaho?

"Ay lola, hindi po ako pakarat at pokpok." Tsaka pinagpag ang puwetan ko. "Maghahanap nalang po ako ng disenteng trabaho." Sabi ko kay lola.

"Iha, katulong ang papasukan mo. Ibibigay ko sa'yo ang address nang papasukan mo." Ngumiti ito at tsaka nagsulat sa papel. Ibinigay niya saakin kaya kinuha ko naman.

Tatanong ko sana kung anong sasakyan kong jeep pero wala na si lola.

Ito na kaya ang makakaahon saamin? Sana nga.

-----

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now