Chapter 18

5.8K 115 40
                                    

| C H A P T E R  18 |

• "Confused" •

 •Grace•

One of the best things that would make anyone happy, is having a mother. Nanay na handang gumising ng umaga para makagawa lang ng pagkain sa pamilya niya. Nanay na wala ng ginawa kundi ang magmahal. Nanay na handang mag-aruga. Nanay.

Hindi ko mabibilang lamang sa darili ko kung ilang beses ko na ba iniisip ang mga ganito bagay. Kung ano ba yung feeling na may nanay. Pakiramdam na may nagmamahal sa'yong nanay na handang makinig sa'yo kapag may problema ka. Nanay na magtuturo sayo kung paano lumandi.

Minsan ding sumagi sa isip ko na kung bakit wala akong nanay? Bakit hindi ko makuhang maitanong sa tatay ko kung sino nga ba ang nanay ko? 

Nakakatuwa lang isipin na naging isang nanay na din pala ako. Sa buong buhay ko, ako na ang tumayong magulang nila Buboy. Higit sa magulang pa ang pagpaparamdam ko ng pag-aaruga sa kanila at hindi ko 'yon pinagsisisihan.

Kaya pala hindi ko itinatanong kay tatay ang mga ganitong bagay dahil may mali. Dahil mayroon at mayroong oras na nakalaan upang malaman ko ang mga ganitong kaimportanteng bagay na maaring makapagpabago ng tingin ko sa buhay.

Kaya kong mahalin ang nanay ko, tatanggapin ko siya ng buong buo kahit anong mangyari.

Ang kaso,

Mas mahal ko ang tatay ko.

Tatay ko na tinuruan akong maging malandi--este maging isang tao.

Bata pa lang ako, tinuruan na ako ni tatay ng mga mabubuting asal, bagay na kailanman ay hindi itinuro ng nanay ko. Kasama na doon ang pagiging isang mabuting ate ko sa aking mga kapatid.

Naalala ko tuloy kung paano magtrabaho si tatay para lang may pang gastos kami sa pag-aaral at pagkain namin, nakakalungkot lang dahil hindi kaagad ako natuto maghanap-buhay ng mas maaga.

Saktong graduation ko ng highschool nun, tapos valedictorian ang ate niyo haha. Imbis na excitement ang maramdaman ko sa oras na yun, takot ang nararamadaman ko. Takot na baka walang magsabit ng medalya at kumuha ng diploma ko.

Pinilit kong ngumiti, isang drum na ata ang nilunok ko na laway noon pero wala talaga, walang dumating. Pagkakuhang-pagkakuha ko ng medalya at diploma ko ay tumakbo ako papalabas ng school, bigla nalang nang labo yung mga mata ko, nakarating na ako ng park sa tabi ng skwelahan at doon nagsi-unahan yung mga luha ko.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang tinatarantado talaga ako ng buhay dahil sinabayan ng langit ang pag-iyak ko. Itinago ko muna sa liblib yung diploma kuno ko at medalya ko na alam ko namang galing lang divisoria yung medal.

Bigla nalang ako nagkaroon ng galit sa puso ko kay tatay. Kahit sino naman siguro noh? Graduation tapos mag-isa ka lang, nakakaloka.

Napagdesisyonan kong bumalik ng bahay at magtampo kay tatay.

Pero wala eh, galit saakin yung tadhana. Ang galing lang, kasi magtatampo pa lang ako, napalitan agad ng pag-aalala.

Pagdating na pagdating ko ng bahay, sumalubong ang mga kapatid ko at kanya-kanya ng pagsasalita na halatang galing sila sa pag-iyak. Ako naman 'to na gulong-gulo kasi bakit sila umiiyak? Kung sino man ang dapat umiyak dito, ako yun. Ano 'to?

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now