Chapter 3

8.9K 174 27
                                    

|C H A P T E R 3|

•"Raped"•

•Grace•

The things that I hate in life is seeing my family suffer.

Shutangina napapa-ingles ako bes.

Nag-iimpake na ako ngayon at hanggang ngayon ay umiiyak ako. Masakit pa rin saakin ang umalis. Sigurado akong mamimiss ko sila. Ang bigat lang sa pakiramdam na iiwan mo yung pamilya mo nang matagal na panahon. Hindi man kami ang pinaka-sweet at perpektong pamilya, hinding hindi mawawala saamin ang tunay na pagmamahalan ng pamilya at pagiging malibog CHARROT!

Backpack at isang maleta lang ang dala ko , dala-dala ko rin ang kakarampot na ipon ko. Pagkalabas ko palang ng kuwarto ay sinalubong na ako ng mga kapatid ko. Nalungkot kaagad ako dahil sa dalawang dahilan, dahil sa yakap at presensya ng aking mga kapatid, ang isa pang dahilan ay dahil hindi kami kumpleto dahil wala si Buboy.

Puro iyak at hagulgol ang maririnig sa bahay. Sa tuwing pinupunasan ko ang mga luha ko ay tila walang katapusan ito sa pagtulo dahil mga traydor ito. Ayaw kong ipakita sa mga kapatid ko ang mga luha ko pero umiyak pa rin ako, katulad nga nag sabi ko, traydor ang mga luha.

"Ate, w-wag ka na po umali-lis." Umiiyak na sabi ni Agatha. Kung pwede ko lang hindi sila iwanan, hindi ko sila iiwan.

"Kung pwede lang, kung pw-wede, Agatha." Pinilit kong maayos ang aking pananalita pero nahirapan ako. Makita ko pa lang sa mga mata nila halatang malungkot rin sila at nahihirapan sa sitwasyon namin.

"Ate, hindi na po ak-ko mambababae. Basta ate h-uwag ka lang umalis." Sabi ni Kikoy. Na ikinatuwa ko naman. Ngumiti ako pero hindi rin nagtagal ay bumagsak din ang luha ko.

"Sana Kikoy, wag ka nang manakit ng mga babae, hindi dahil aalis ako o kung sino man ang umalis. Irespeto mo sila katulad nang pagrespeto mo saamin nila nanay at kaming mga babae mong kapatid. Mahal ka ni ate, Kikoy." Mangiyak ngiyak kong sabi. Napakababaero si Kikoy pero malaki ang respeto niya saakin, kay Agatha, Pipay at nanay.

"Sorry na ate, huwag ka na po umalis. Hindi na po namin kayo babarahin."

"Tama po si Popoy, ate. Sorry na po talaga kung tinatarayan ko po kayo, pero mahal na mahal ka namin ate."

"Mas mahal ko kayo, Pipay at Popoy. "

Hindi na sila tumitigil sa pag-iyak kaya napagdesisyunan kong lumabas na ng bahay namin. Para naman sa kanila 'tong mga ginagawa ko. Hindi naman ako magpapakarat doon kaya sana. . . Sana gumaling sila tatay at Buboy, sana rin hindi muna magmadali di aling fekyu sa pagsisingil niya saamin kasi pag nagkataon ipapalaspag ko siya kay tatay... Charrot lang!

Naghintay lang ako ng tricycle sa labas at nang makahanap ako ay kaagad ko itong tinawag. Sumakay ako dito sa bilis nang makakaya ko. Hindi ko na kayang marinig ang mga iyak, hagulgol at pagtawag saakin ng mga kapatid ko. Habang nasa tricycle ako tahimik akong umiiyak. Mas masakit pala 'yon sa puso kapag wala kang maiyakan at isinasarili mo nalang ang sakit na nararamdaman mo. Unti-unti nito dinudurog ang puso mo ng walang ka alam alam.

Bwiset na 'yan, nagmukha pa tuloy akong nasa teleserye. Mabuti kung nandito yung writer ng 'Ang Probinsiyano' walang katapusan na episodes ampness.

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now