Chapter 5

8.2K 120 34
                                    

[[A/N: Masipag mag typeu si author ngayon Hahaha. Charrot lang! So, ayun nga. Basahin niyo lang ang story. At sana hintayin niyo ako laging mag update. Hindi ko kayo bibiguin. Drama ni author. Pero super pretty pa rin siya.

Basa na!!!]]

CHAPTER 5

•Grace•

Paulit-ulit na nakikita ko ang bata na kamukha ko. Ang mga katulad niyang bata ay pinapahalagahan at minamahal ng pamilya, batang kinakaselosan ng mga iba pang bata. Kahit ako, Naiingit din ako kung ako siya. Buo ang pamilya niya at masaya. Unti-unti ko na rin nalalaman na ang mga hilig at ayaw niya ay kaparehas ng akin. Katulad nalamang sa pagka hilig ko sa pagbabasa, sa kulay lavander at medyo boyish gumalaw, maliban lang sa isa....

Mayaman siya at ako naman ay Mahirap.. Kaya imposibleng ako 'yon. Dahil sa realidad ako ang nagpro-provide sa pamilya ko at hindi pa ako ni minsan napagsilbihan ng kahit sinuman.

Ang mga katulad ko ay hindi kinaka-inggitan ng mga bata kundi kinakaawaan ng mga tao. Kaya feeling ko lang ha. Gaya-gaya rin yung bata. Pati mukha ko ginagaya. Sarap batuhin amp.

Isang gabi nagkaroon ng birthday party ang bata. Nagkakasiyahan lahat ng mga tao nang biglang nagsara ang ilaw. Hindi nagtagal ay nagbukas ito. Pero wala na yung bata. Sumigaw ang nanay nung bata ng "Maddy!".

Kumirot nanaman ang ulo ko at unti-unting nawawala ang imahe ng bahay ni Maddy. Dumilat ako. Panaginip lang ang lahat?

Pagmulat ng mga mata ko, parang nasa palasyo ako sa sobrang ganda ng k'warto. Hindi lang basta basta pang mayaman kundi pang prinsesa ang k'wartong ito. Puti at lila ang kulay ng k'warto. Mas malaki ito sa bahay namin sa probins'ya. Ang kama at kumot ay purong puti nagmukhang sobrang itim ko sa kama kaya umalis nalang ako.

Ano 'to? Cookies and Cream? Nakakahiyang pumasok sa ganitong k'warto kung ganito ako ka-itim.

Nagtataka pa rin ako bakit ako nandidito. Wait, NA RAPE AKO?! Tinignan ko ang bra ko. Mangutim ngitim na rin ang bra ko at nang tignan ko naman ang panty ko ay nakasuot pa rin sa katawan ko. Nakakahiya naman sa mangrerape saakin kasi Bacon na rin ang panty ko.

May narinig akong yapak ng paa mula sa labas, kaya napa tingin ako. Nagbukas ang pinto at nakita ko ang isang magandang babaeng may-edad na at eleganteng manamit.

Nakangiti itong nagtungo sa direksyon ko. Ang nakakatawa lang hindi pa ako nagtotoothbrush pero Keribels na ang aking bunga-nga. Bahala siyang mag-adjust.

"You're awake, iha." Bungad saakin ng may kaidaran na pero maganda pa rin.

Siyempre gising ako. Bulat mata ko bes.

"Yes po." Plastkan na ito! Siyempre baka mamaya paalisin ako sa kuwarto. Ang ganda pa naman.

"Breakfast is ready. I bring here some clothes for you to wear." Sabay abot saakin ng magandang damit.

"Thank you po.Susunod nalang po ako. " 

"I'll wait for you outside."

"A-ahm, sige po."

Kinuha ko na ang towel ko at pumasok na sa cr. Ang awkward, feeling ko kilala ko siya at kalapit na kalapit ko siya. Pero mas maganda ako sa kanya, Echosera siya!

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now