Chapter 13

5.5K 101 1
                                    

Update. Update. Update.

Typos. Typos. Typos.

| C H A P T E R 13 |

•"Wiped"•

•Grace•

Masaya naman ako, so far. Hindi ko masyadong nakikita si Blade dahil iniiwasan ko pa rin siya. Nalaman ko rin kasi kay Bubbles yung sched kaya tina-timingan ko lagi kapag wala siya tsaka ako lalabas ng lungga ko.

Kasalukuyan akong nag-hihiwalay ng damit para makapaglaba na. Hindi na kaylangan pang gamitin ang full powers ko at ang ibang kapatid ni Bubbles para maglaba dahil may mga machine naman sila.

Kami kasi sa probinsya, buong kaluluwa mo ay lalabas at lalabas tuwing maglalaba. Kaylangan pa ng power pop girls para sa pagkusot, pagbanlaw at pagsampay.

Actually, nagtataka nga ako minsan kung katulong ba ako dito o ewan. Akala ko pa naman mala drama ang pagiging katulong sa Maynila.

Pagkatapos maglaba at patuyuin ang mga damit gamit ang dryer ay pumasok na ako muli sa kusina at nagtimpla ng juice para kay Mang Cayon at kay Bubbles. Baka naman kasi maging tigang na ang mga 'yon kakatrabaho.

Naglalakad ako na may hawak na tray ng juice papunta sa sala.

"Ay Kepyas ni Bubbles!" Napasigaw ako ng may tumabig saakin at laking gulat ako ng makilala ko siya.

"Grace/Sabrina?"

Sabay namin sabi ng makita namin ang isa't isa. Hindi nagtagal ay napatingin ito sa dress niyang nabuhusan ko ng juice.

"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya." Ibinaba ko ang tray sa kalapit na table at pinunasan ng panyo ko ang damit niya.

"Sorry talag—" napatigil ako nang tapikin niya ang kamay ko.

"Yuck. Don't touch me. Baka katihin ako! Ang higad mo pa naman." Napakunot ako sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?!"

"Are you playing dumb or what. You're convincing huh. Btw, Blade ask me to get a maid from the mansion so that someone can accompany me."

"Tutal, nandidito ka rin naman sa harap ko. Bakit hindi nalang kaya ikaw?" Tinaasan pa ako ng kilay netong babaeng 'to. Eh kung bunutin ko kaya ang kilay neto isa-isa? Kaloka 'tong babaeng 'to.

"Ikaw nga, klaruhin na natin 'to. Ako ba ginagalit mo? Sa pagkakaalala ko, may uta ka pa saaking babae ka! Naka-crossed arms lang ako sakanya at tinasaan ko ng ulo.

"Ohh, that. Thank you huh. Don't you worry, I'll pay you later if I got to get my sukli later. But for now, accompany me."

Tumalikod na siya at naglakad na paalis ng bahay.

"Pasalamat ka, babae ka. Nakuu! Pag ako hindi nakapagtimpi, kukurutin ko singit mo." Pabulong kong sabi. Hindi ata ako narinig at patuloy pa rin ito sa paglalakad.

Napakunot nalang ako dahil ang pangit niyang lumakad, para siyang hipon na tinubuan ng mukha.

Sumunod nalang ako, baka sakaling bayaran na ako netong babaeng 'to.

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now