Chapter 15

7K 106 12
                                    

Hi guys, mag-a-update sana ako sa araw na nag 3k reads 'tong story na 'to. Sobrang lungkot ko talaga at gusto kong matanggal yung lungkot na 'to.

Naramdaman niyo na ba yung feeling na ginawa mo na yung best mo pero hindi papala best 'yun?

Yung feeling na, kung kailan mo kailangan sila, doon sila wala.

Yung ikaw, ikaw na kahit kaylan hinding-hinding iniwan yung side nila, masaya man yung sitwasyon o kahit pa against yung mundo sa kanila.

Bakit hindi nila magawa? Dahil ba, hindi pa rin sapat yung magka-kaibigan kami para samahan nila ako sa mga oras na kaylangan ko sila?

Alam nilang down na down ako. Feeling ko, kaaway ako ng mundo. Pero anong nangyari? Iniwan nila ako.

Doon ko lang napag-alaman na totoo nga yung kasabihang, "Hindi lahat ng nasa harapan mo ay mag-iistay d'yan. Kasi lahat lumilipas, lahat kumukupas."

Sa mga oras ngayon, sarili ko lang ang kakampi ko. Pero paano ko magagawa 'yun? Eh ako mismo ay hindi matanggap yung sarili ko.

Kaya sa mga KAIBIGAN ko d'yan. Salamat ha? Madami akong kasama sa oras na akala ko na nandodoon kayo. Puro lang kayo salita. Puro lang kayo hingi. Puro lang kayong tanong.

Ni minsan ba, naisip niyo na kaylangan ko ng tulong niyo?

Tama na kadramahan! Basa na!

| C H A P T E R 15 |
•"Holding Hands"•

•Grace•

"Ma'am" Napakunot ako kasi nagsasalita yung malaking hotdog sa harap ko.

Hindi lang 'to nagsalita, yinugyog pa ako.

"Isa pang yugyog, makakatikim ka saakin!" Sigaw ko sa hotdog na kanina pa ako yinuyugyog.

Nakakaalog ng utak—este ulo, baka mamaya ay ipagdamot nanaman saakin ni author na may utak din ako, buset.

"Gising na ho." Mas napalakas ang yugyog niya kaya sinipa ko 'to.

"ARAAYY!" Napadilat ako sa sigaw ng babae.

Tinignan ko kung sino yung sumigaw at hindi naman ako nagtaka na si Bubbles 'yon.

"Hoy, Bubbles! Mag hunos dili ka nga." Napa-kurap kurap akong nakatingin sakanya. Hindi pa rin kasi sapat yung tulog 'ko. Kakaisip sa maaring mang-yari sa event.

"Masakit kaya! Kanina pa kita ginigising pero kanina mo pa rin ako tinatawag na hotdog. Kipay ang meron ako, KIPAY! hindi hotdo—Aray!" Napa-aray nanaman si Bubbles dahil agad kong binato ito ng unan. Kahit kaylan ay hindi na nagkaroon ng kahihiyang 'tong babaeng 'to.

Siya pala yung malaking hotdog. Napangiwi nalang ako nang maalala kong napalakas nga pala yung pagka sipa ko.

Tumayo nalang ako at kinuha ang tuwalya ko, nilagay ko 'to sa balikat para makapaligo na.

"Walang sorry-sorry ganun? Teka," Tumigil ito sa pagsasalita at inamoy amoy yung unan ko.

"Amoy laway yung unan mo, ang baho!" Inirapan ko na lang ito at kinuha na rin yung mga gagamitin ko sa pangligo.

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now