Chapter 8

7K 137 22
                                    

| C H A P T E R 8|

"Di nga?"

•Grace•

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Paano kung hindi ako tanggapin kasi nga sinampal ko siya? Minura ko siya? Paano ko nalang masusuportahan ang pamilya ko? Tapos si Aling Fekyu pa. Hayst, namimiss kaya ako ni Aling Fekyu—este mga kapatid ko pala? Kamusta na kaya si Buboy?

Napabuntong hininga nalang ako at pinakalma ang sarili ko.

Napansin ko na may tatlong kotseng pumasok sa bahay ni Blade. Teka, sino kaya yung mga 'yon? Nanay kaya ni Blade 'yon? Kapatid? O si Sabrina? Bumigat nalang ang pakiramdam ko sa feeling na si Sabrina ang pupunta.

Siyempre nga pala, pinakamamahal ni Blade si Sabrina.

Bigla nalang ako nainis na ewan at gustong sugurin si Sabrina. Buti nalang matamarin ako kaya hindi natuloy ang kagagahan ko.

Kung natuloy iyon, sobrang maloloka ako.

Sinabi ko sa guard na ako si Grace kaya pinapasok naman niya ako. Pero pinasama niya ako kay Anton yung lalaking naglilinis ng hardin.

Pogi siya at malaki rin ang katawan pero mas pogi pa rin si Blade. Ay, hindi pala pogi yun!

"Grace, bakit ka nga pala pabalik-balik?" Tanong niya. "Nandito ka na kanina diba?" Pahabol niya.

"Teka, bakit ang dami mong tanong? Crush mo ba ako ? Ikaw ha." Sabay sundot-sundot sa tagiliran niya.

Ang ganda ko talaga. Charrot !

"Ang cute mo talaga Grace." Pinisil naman niya yung magkabilang pisngi ko.

Nauna pa siyang pumasok sa bahay tapos tumalikod saakin nagflying kiss pa saakin.

"Tarantado!" Tsaka ko siya pinakyu. Muntanga lang siya. Nagpangitingiti lang ng parang tanga.

Pumasok na rin ako ng bahay naghahangad na sana hindi ko makita si Blade.

Grabe nalang talaga epekto ko kay Blade. Nakakapakshet. Baka mamaya makita ko siya nakita ko natalaga si San Pedro.

Siyempre hindi ko na makikita si Maddy. Pag nakita ko pa siya ay masasabunutan ko lang. Charr!

--

Nasa sala na ang pamilya ni Blade kasama si Sabrina at nanay niya.Wait, bakit ko sila kilala? I'm so smart talaga.

"Ikaw ba ang katulong dito, Iha?" Tanong saakin ng magandang babae pero may kaidaran na. Parang yung nanay rin ni Sabrina.

"Opo, pero kung gusto niyo pong maging driver. Why not, diba?" Tapos ngumiti.

Napatingin saakin si Blade at Sabrina na gulat na gulat ngayon. Ako rin naman nagulat eh. Mga Echosera 

"Now tell me, What's your name and your age?" Ma-otoridad na sabi saakin ng lolo ata ni Blade.

"My name is Maria Gracias Batumbakal but call me Grace for short. 17 years of age, Bonpa!" Nag-ala Jollibee crew pa ako sa lapad nang ngiti ko. Pero lahat sila nganga.

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now