Chapter 2

10.1K 237 7
                                    

CHAPTER 2

•Grace•

Ang mga nangyari ngayong araw ay kakaiba. Nakakabaliw. Paano ko na sabi? Una, yung pagmamadaling singil ni aling fekyu. Pangalawa, yung pag-alok ni lola saakin ng trabaho tapos bigla bigla nalang nawala. Pangatlo, umatake yung malubhang sakit ni Tatay.

Mga senyales kaya ito? Na kaylangan ko na tanggapin yung trabaho ?

Naubos ko na yung benta ko at nakaka 455 lang ako ngayong araw. Uuwi na sana ako nang sumakit ang ulo ko. Ang sakit amputa !

May imahe ng bata akong nakikita at nakita ko roon na kinidnap ito. Tapos biglang sumakit lalo ang ulo ko at biglang nandilim ang paningin ko.

---

Pagdilat ko ng mga mata ko nasa bahay na ako. Katabi ko ang mga kapatid ko na nakatingin lamang saakin.

"Sa wakas, gumusing ka na ate !" Sigaw ni Agatha saby yakap saakin.

"Hala! Sayang hindi natuluyan si ate." Sabi ni Pipay. Abay! Loko 'to ah!

"Pipay, makikita mo. Ibebenta kita kay Mang Berting." Tsaka naman siyang yumakap at nag beautiful eyes pa ang gaga!

"Joke lang ate." Sabay kiss saakin. Hay nako, hindi ko talaga kayang magalit sa mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila—si Pipay at Popoy lang hindi. Charrot ule!

Hindi ko pa sila napapakilala lahat. Si Agatha ang sumunod saakin. 17 years old na ito. Mage-18 na ito sa October. Dahil matured na si Agatha at naiintindihan na niya ang sitwasyon namin sa buhay ay matulungin at marespeto ito saakin.

Si Mannuel yung binata na mabait at kung minaan ay sutil. 16 anyos na itong si Mannuel. Hindi mo kaagad ma gets ang mga sinasabi niya. Masyadong malalim mag isip at matalino pa! Kahit mahirap kami, pinapahalagahan namin ang pag-aaral. Kaya kahit inglesin mo kami ay maiintidihan ka namin at masasagot ka namin ng ingles din.

Si Kikoy ay 14 na taon gulang. Ito ang pinaka pilyo sa aming magkakapatid. Madalas makikita mo 'yan na may kausap na babae. Pero kahit ganyan siya sa mga babae ay nakakatulong ito sa bukirin at sa mga gawaing bahay.

Si Pipay at Popoy ang kambal sa magkakapatid. Ang pinaka kinakainisan ko rin. Aba, Kahit 10 taong gulang pa lang ay ginigigil na ako sa galit dahil sa pangbabara. Kahit nakakagigil sila, mahal ko sila. Masunurin din 'yang dalawang yan. At hinding hindi nila pababayaan ang aming bunsong kapatid na si Buboy.

Si Buboy naman ang mahal na mahal namin, kahit sabihin niyong may favoritism ay totoo naman. Takot kaming mawala siya katulad ng dati na namatay ang kambal niya dahil sa sakit na leukemia. Sabi ng mga doctor na malai raw ang posibilidad din daw na magkaroon si Buboy. Sa 5 taong gulang ay naranasan na niya ang mawalan ng taong mahal niya sa buhay.

"Nasaan si buboy?" Tanong ko nang mapansin kong wala nga si Buboy.

"A-ate, bago ka maglako ng mga paninda mo kahapon ay inatake si Buboy ng lagnat." Takot na takot na sabi ni Pipay.

"Nung tignan namin s-siya ate, Ang taas ng lagnat niya.. Hindi namin alam ang gagawin ate."Sabi ni Popoy. Nakikita ko sa magkambal ang pangamba.

"Takot kami ate na baka iwan din tayo ni Bu---" Hindi pa nakakatapos magsalita si Kikoy ay agad ko na itong pinuto at tumayo.

Grabe ang nararamdaman kong kaba. Ang bigat-bigat sa puso.

"Kikoy, Hindi mangyayari 'yon kay Buboy. Gagawa si ate nang paraan. Wag na kayong umiyak." Sinabi ko ito dahil nakikita ko ngayon ang mga kapatid ko na umiiyak. Kailangan kong maging malakas sa harap ng aking mga kapatid.

"O-opo *singhot* ate"

Kumaripas na ako nang takbo sa pinagtulugan ni Buboy sa kama ni tatay na mahimbing natutulog.

Kinuha ko ang mga gamit ko at kumuha ng pera mula sa binenta ko ngayong linggo at binuhat si Buboy para kumuha ng tricycle. Medyo malayo dito ang ospital at masyadong minamaliit ng mga taga baryo ang mga taga bukid.

Nang makarating kami sa ospital para ipa check up si Buboy ay pinuntahan ko kaagad ang mga nurse na naglalakad.

"Nurse paki check-up naman po ang kapatid ko." Ilang beses ko na 'yang sinasabi pero wala man lang ni isa ang pumansin saakin.

Habng buhat buhat pa din ang kapatis ko ay lumapit ako sa naka-uniformeng damit na doctor ay nilapitan ko kaagad.

"Doc, parang awa niyo na, paki check up po ang kapatid ko. Inaapoy na ko ito sa lagnat." Napalingon saakin ang doctor tinignan ang kapatid ko at hinawakan ang noo at leeg na para bang chinecheck kung may lagnat ito.

"Bakit nagyon niyo lang dinala?!" Tumawag ito ng mga nurse at tsaka ibinuhat ng doctor ang kapatid ko.

Lumipas ang oras dahil kukuhanan daw ito nang mga test. Naiiyak akong nagagalit dahil sa mga nurse na nilapitan ko kanina na wala man lang ginawa para man lang tignan ang kapatid ko. Balde-balde na sigurong iyak ang naiyak ko pero parang hindi ito nauubos.. Pinunasan ko ang mga luha ko nang makarinig ako nang yapak ng mga paa at pagtingin ko ay si Doc.

"Iha, malaki laking pera ang gagamitin mo para mapagamot ang kapatid mo."

"Ano po bang sakit ng kapatid ko, Doc?"

"May leukemia ang kapatid mo, Iha"


May leukemia ang kapatid mo, Iha

May leukemia ang kapatid mo, Iha

May leukemia ang kapatid mo, Iha



May leukemia ang kapatid ko?! Umiyak nanaman ako. Napasandal ako sa may pader at napaupo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala pa ang kapatid ko dahil tuluyan na akong mababaliw. Sa mga oras na 'to hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala akong gagawin. Iniisip ko ngayon kung paano ako magkakaroon ng pera..

Biglang sumagi sa isip ko yung alok ni lola.. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o magagalit sa Diyo sa mga nangyayari ngayon. Pero mas pinili kong magpasalamat sa Diyos dahil lahat nang mga binibigay niya ay may dahilan..,

Bukas na bukas din ay tutuloy na ako sa Maynila para magtrabaho..

Sana lang ay makasweldo kaagad ako para mapagamot si Buboy.

----

[[A/N: Hello guys! Thank you for reading.. Hope you enjoyed it :)) ]]

Please VOTE and COMMENT!

Fighting~!

*

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now