Chapter 9

6.9K 108 8
                                    

WARNING: Maraming typos and grammatical errors!

You've been warned HAHA


| C H A P T E R 9 |

"Island "

•Grace•

Wala daw balak si Zach na ibalik ako kila Blade. At dahil doon, Ang taas ng kilay ko na halos umabot na ito sa gusaling nadadaanan namin dito sa Ortigas.

Bago niyo akong questionin kung bakit anlam ko nang si Zach siya, nalaman ko kasi tinanong ko. Sino ba namang hindi magtatanong? Hardinero tapos may napaka gandang kotse. Nung una nga hinampas ko siya eh, 'kala ko kasi Carnapper.

"Baby, let's buy you some dress." Sabay park.

Lumabas siya at umikot papunta naman sa aking side ng pintuan. Pinagbuksan ako ni baby.

Naweweirdohan din ako sa pagtawag niya saakin ng baby eh. Kaya tinatawag ko na rin siyang baby.

"Salamat, baby." Nginitian ko pa siya. Gulat siyang tumingin saakin. Nagtinginan kami ng sandali pero mas nauna siyang umiwas. Nakita ko rin ang mukha niyang mulang mula na.

Ewan ko pero baliw na rin ata ako dahil nakangiti akong ewan.

Habang naglalakad, tinanong ko siya kung okay lang ba siya. Pero tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hoy, iba na yan ah! Nakakailang the moves ka na!" Pero hindi ko tinanggal dahil ipinagsiklob ko pa ang mga daliri namin. Nararamdaman ko ang bilis nang pagtibok ng puso ko pero hindi gaanong kalakas katulad ng kay Blasdfghaj. Hindi lang pagtibok pero namumula rin akong parang kamatis. Hindi nangangamatis ah.

"G-gutom ka na ba?" Tanong saakin ni Baby.

"Hindi na ako gutom, kumain na ako sa bahay ni Asungot." Sagot ko sa tanong ni Zach. Totoo naman talagang busog ako. Ang nakakaasar lang kasi ang sakit talaga ng pisngi ko ta nahihilo hilo pa rin ako.

"Sinong Asungot" Tinignan ko lang siya sa tanong niya.

Halata naman kasing Asungot si Blade. Nakakainis lang kasi hindi naman niya alam talaga ang totoo tapos kung makasakit siya Todong-todong. Nabwibwisit din ako kay Sabrina.. Kung Ayaw niya magbayad ng utang niya saakin, kaya naman niya ako pakiusapan. Nakakainis talaga.

"Ahhh" 'Yan nalang ang nasabi ni Zach dahil alam niya na siguro na si Blade ang sinasabihan kong Asungot.

Dumiretso na kami sa isang boutique. Halatang sosyal ito at kakaunti lang ang pumupunta dito dahil ang mahal ng presyo.. Buti pa ang presyo minamahal, hindi katulad ko na minumura lang. Hayst.. CHOSS LANG!

Binati kami agad nung babaeng nasa boutique. Ang harot ng babae, nakatingin lang kay Zach at pinapakita pa ang cleavage niyang push up bra lang naman ang nagdala.

Dahil nabwusit ako, hinigit ko si Zach saakin at ginamit ang naka intertwined na kamay namin sa pagturo sa loob. Inirapan lang ako ng babae pero dinilaan ko lang siya. Ganda ko kaya.

"Ito... Ito... Ito..." Yan ang sinasabi ni Zach habang namimili ng damit ko. Pero lahat ng binibigay niya, binabalik ko lang. Ang mahal ng mga damit. Katulong ang pinasukan ko hindi modeling. Kaloka 'to si Zach.

My Husband is a Bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon