Chapter 21

7.6K 129 65
                                    

| C H A P T E R 21 |

•Ken•

Pusanggala, hindi ko alam kung natatae ba 'tong mukha ko o ewan eh. Walang nagsasalita at puro tinginan lang na walang may balak pumutol.

"Nice meeting you again, Z." Nakangiting bati ng lalaking naka puting t-shirt sa loob at may coat na nakapaibabaw dito.

Sa mukha ng gunggong na 'to. Hindi ko 'to mapag-aakalaan na isa ito sa mga demonyo.

Mukha talaga siyang masaya sa pagbati niya pero ang ekspresyon ng mukha ni Zach ay ang kabaligtaran nito.

"It was never been nice meeting you, K." Nakakatakot ang awra na ipinapakita ni Zach ngayon. Malayo sa Zach na tumatawa ng sobra kahit hindi nakakatawa yung mga jokes niya.

Bigla namang umaktong nasasaktan ang lalaki at nagsalita, "Aww! That hurts my feelings, baby bro." Hindi ko na talaga alam kung ano ang magiging ekspresyon ko ngayon.

Baby bro? Wth. Nag-iisang anak lang 'tong mokong na 'to. Parehas sila ni Blade kaya spoiled. Kaya papaanong may kuya si Zach.

"You knew I never had a brother." Kung kanina ay nakasimangot si Zach, ngayon ay hindi ko na mabasa ang mukha nito.

Halo-halo ang ipinapakita nito. Galit, poot at panghihinayang. Halo-halo na hindi ko alam kung tama ba ang mga nakikita ko.

"Grabe ka naman, baby bro. Hindi ko naman sinasadya na makita kang kasama mo si S." Pagkasabing-pagkasabi ng lalaki iyon, agad na tumiklop ang kamao ni Zach.

"Why are you doing these? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa buhay ko? Keaton is the name of my Bestfriend and I look at him as my big brother. Are you Keaton? No, you're not. You don't have any personality of him, not even one." Naplunok ako sa sinabi ni Zach. Hindi ko na talaga alam kung meron pa ba akong naiintindihan. Ang gulo-gulo nakaka bobo.

Nakita ko naman 'tong Keaton na 'to—ay mali, K lang pala, hindi daw pala siya si Keaton sabi ni Zach. Nakita ko si K na nag-clenched ang panga.

"What have I done in your life? Ikaw ang nanguna sa lahat ng 'to. Puno't dulo nang pagkakasira nang pagkakaibigan natin. I have never asked love from my family, because for me, my friendship with you is enough. Ganon ka na ba katanga para hindi mo malaman na tatay ko yung pinatay mo? Yes, tama ka. I am not Keaton, and I will never be him. Dzrazon is now the person in front of you. Not your so called big bro. I should kill you baby bro, before I burry Keaton. Right, Nath?" Pagkasabing-pagkasabi ni K ang mga katagang iyon, biglang lumabas ang babaeng nakamaskara na nakakapagtago ng kalahati ng kanyang mukha.

Biglang napaatras si Zach at nagulat sa nakita niya. Ano na ba talagang nangyayari? Isa lang ang alam ko, na ang babaeng nasa harapan niya ay ang dati niyang kasintahan na si Tasha.

| F L A S H B A C K |

"Zach, na buang ka na ata kay Tasha ah, kanina ka pa nakatingin sa kanya. Kala ko ba, inom lang, walang babae HAHAHA," pang-aasar ko dahil kumikinang ang mata ng mokong sa babaeng sumasayaw sa harap.

"What? Ako?! Nakatingin? In your dreams!" Iniwas nalang na tingin ni Zach sa harapan at muling kinuha ang baso at ininom ng tuloy-tuloy.

"Chill haha, pero seryoso ako, bakit parang interesado ka sa babae ngayon?" Seryoso ko 'tong tinanong kay Zach at marahang tinapik ang balikat nito.

Nasa bar kasi kami at kanina pa nakatingin 'tong si Zach sa harapan kung saan sumasayaw ang pinakachix sa lahat ng babae dito. Kasing edad daw namin kaya masyadong malagkit ang tingin ng mga lalaki dito. Oy oy wag niyo 'kong gawing masama, hindi ako ang nag-aya dito sa inuman. Si Zach 'yon. Hindi halata noh? Kahit ako rin nagulat nung nag-aya ang mokong eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now