Chapter 7

7.9K 114 10
                                    

| C H A P T E R 7 |

"Boss ko siya?!"

Grace•

Nasa heaven na ata ako. Puti lang ang nakikita ko. Nagmimistula nanaman akong dark chocolate. Azar.

Nagpalakad lakad lang ako at walang tiyak direksiyon kung saan ang katutunguhan.

Hinyaan ko lang ang mga paa kong mapapad kung saan ba talaga ako nararapat. Kung saan talaga ako bahagi at kinikilalang bilang Maria Gracias Batumbakal lang at hindi bilang Malandi.

Kung nandidito nga lang ang pamilya ko, hindi sana ako nag-iisa. Hindi sana hahayaang maituloy pa ang salitang bibitawan ni Blade dahil masusuntok kaagad siya ni Kikoy.

Kumbaga hihinga pa lang siya, aatras na kaagad ang dila niya.

Habang naglalakad ako, napaisip ako kung bakit ganoon nalamang ang galit saakin ni Blade. Pero habang iniisip ko yun mabilis na tumitibok ang puso ko. Puso kong magdudulot din ng hinanakit dahil hindi ko sinunod ang isip ko.

Bigla nalang may sumulpot na bata mula sa likuran ko at kung hindi ako nagkakamali, siya rin si Maddy. Hindi siya nag iisa dahil may kalaro itong matabang uhuging lalaki.

Napangiti nalang ako sa kawalan at nagpailing-iling dahil walang taste sa lalaki si Maddy.

Patuloy lang sila sa pag laro. Dahil sa kalandian at kaharutan ni Maddy ay nadapa siya. Tanga lang. Lumuhod ang bata at hinipan ang sugat ni Maddy.

Sabi pa niya "May pagtatunga ta rin Maddy." Sa isip isip ko, Mas shunga siya kasi tumutulo na yung sipon ay sige pa rin siya sa paghipan ng sugat ni Maddy. Ay isa pa! Bulol pa siya.

May pinahabol pa ang bata na ikinalambot at tibok ng puso ko , "Pero mahal pa rin kita."

Sumakit nanaman ang ulo ko na parang kanina pa gustong bumiyak sa sobrang sakit. Nakita kong nagsimulang maglaho si Maddy at ang natitira nalang ay yung batang lalaki. Lumapit saakin ang bata at tinignan ako sa mata. Kung hindi ako nagkakamali mata iyon ng lalaking pinakakinaiinisan ko at the same time ay nagpapatibok din ng puso ko.

Blade.

Ipinikit ko ang mata ko kung tama ba talaga ang nakikita ko ngunit sa pagmulat ko ng mga mata ko. Nakita ko si Blade, yung matandang Blade.

"Fúck!" Yan lang ang tanging sinabi niya at umalis na rin. Napansin ko rin na namumula ang mukha niya.

Inamoy ko ang hininga ko kung mabango ba. At dahil inamoy ko, nawalan ulit ako nang malay. Charrot! Ang baho ng hininga ko pakshet. Ilang araw na ba ako dito, aber?

"Gising ka na pala, Maddy." Maddy? Bat naman ako tinatawag na Maddy nitong matandang 'to.

Aba, teka nga lang. Bat ba puro matanda nalang nakikita ko kapag bagong gising. May sayad na ata ako.

Tatanungin ko sana kung bakit mas makapal ang balbas niya kaysa sa buhok niya. Kaso tinamad ako. Mamaya nalang.

"Lolo, ba't Maddy ang tawag niyo saakin ha?" Napakamot ng ulo si lolo at nilapitan ako.

My Husband is a Bad boyWhere stories live. Discover now