Chapter 2

2.2K 53 34
                                    

Nagising ako dahil may mabigat na nakapatong sa bewang ko. Ano ba naman 'to? OMG! Bakit nasa bewang ko yung kamay ni Taehyung.

Manyak nga 'to. Tumayo agad ako. "Gumising ka na, Taehyung. Pupunta pa tayo sa BigHit." Sabi ko at nagtali ng buhok. Umungol siya at nagtakip ng unan sa mukha.

Tinarayan ko lang siya. Teka nga! Sabi ko matulog siya sa Sofa ah. Bwinibwisit talaga ako nito eh. "Kim Taehyung, gumising ka na! Sasapakin kita!"

Umupo na siya. Nawawala yung mata eh. Biglang sumingkit. Puyat 'to, sigurado. "Anong oras ka ba natulog?" Tanong ko. Concern ako per-

I mean, hindi pwedeng antukin siya sa practice nila. "2:00 AM, Misis." Sagot niya. Napa-sigh nalang ako.

"Sige, matulog ka pa. Papaalam nalang kita."

"Ayown! Wahahaha! Pahalik nga, Misis."

"Letche! Bukas hindi pwedeng hindi ka tatayo diyan."

Nagshower na ako at nagsuot ng damit. Bumaba na ako para magluto ng breakfast. Pagluluto ko nga siya ng ulam.

Baka tamarin eh. Nagluto ako ng bacon, kanin egg. Nilagay ko ng pagkain yung plato at nilagay sa trey.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto namin. Aba, bumalik sa tulog. Nilapag ko nalang sa table yung pagkain niya.

"Tae, kainin mo yung niluto ko pag gumising ka na. Tapos maligo ka na ha." Paalala ko.

Hindi naman sumagot. Tulog na tulog siguro. Bumaba na ako at pumunta sa BigHit Building.

Taehyung's POV

Bumangon na ako para magshower ng may nakita akong pagkain sa table. "Misis?" Tawag ko.

Hindi ko siya gusto, ok? Deal lang namin ni Jimin na paasahin ko siya. Yun lang 'yon at wala ng iba. Paano ko naman magugustuhan 'yon?

"Hays, mga babae talaga. Ang bilis ma-fall." Sabi ko habang tumatawa. Matutuwa talaga saakin si Jimin Hyung.

1 month lang naman. Tapos, sasabihin ko na pinaasa ko lang siya. Ganun lang 'yob kadali. Malay mo, makashoot ako.

Entice's POV

Nasa Coffee shop kaming dalawa ni Miranda. Wala lang. Nagugutom daw kasi. Kumakain ng cake ngayon.

Starbucks is life. "Bes, i think, hiwalayan mo na si Taehyung. I heard their conversation yesterday." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Anong conversation? "Pinapaasa ka lang nun. Wag kang mafafall, ok?" Paalala niya. Tumango lang ako. Bakit naman ako mafafall sakanya?

I don't like him at all. Ginagampanan yung tungkulin ko. "Oo naman. Teka, anong narinig mo?"

"Basta! Wag ka nalang mahulog sakanya, ok?"

Tumango nalang ako at kinain yung cake ko. Ano nanaman kaya yung plano nun. "Sige na, Miranda. May meeting pa ako."

Nakipagbeso ako kay Miranda at pumunta na sa meeting. Nandun narin silang lahat. Ako nalang ata ang hinihintay.

Napatingin ako kay Dad at Mom. Nginitian ako ni Mom. Pero si Dad, nakaporkerface lang. "Why are you late, Gabrielle?" Tanong ni Dad.

I hate it when someone call me Gabrielle. Huminga ako ng malalim para controlin yung mood ko.

"Nagmeet po kami ni Miranda."

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon