Chapter 38

823 29 1
                                    

Entice's POV

Kinuha ko ang bag ko at bumaba pababa. Maghahanap na kami ng school para kay Leo. Hindi makakasama si Taehyung dahil magpeperform sila. Inabot ko kay Taehyung ang bag niya.

"Sige na, ingat. I love you." Wika ko at hinalikan siya. "I love you too. Leo, ingat kayo ng Mommy mo." Paalala ni V at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang bag ni Leo at naglagay ng tubig, bimpo at extrang damit.

"Mommy, magkakafriends po ba ako sa school?" Tanong ni Leo. Tumango naman ako. Masyadong excited si Leo. Hindi pa nga kami nakakahanap ng school. Binuhat ko siya at sabay kaming lumabas ng bahay. Muntik ko ng mabitawan si Leo.


Biglang lumabas si Jasmine at Ann sa pagmumukha ko. "Hi, Leo! Sasama kami ha. Lika na." Wika ni Ann habang tumatalon talon. Teka, wala sa usapan to ah. Ok, sanay na ko, lagi naman silang ganto eh. Biglang biglang sumusulpot kung saan saan. Pumasok na kami sa kotse ni Jasmine. Kandong kandong ni Ann si Leo.


"Sasabihin mong tatay ni Leo si V?" Tanong ni Jasmine. Nagkibit-balikat lang ako. Idol si Taehyung, naiintindihan ko 'yun. Syempre, kailangan ng mga requirements sa school na papasukan ni Leo.

Bahala na si Batman. Paguusapan nalang rin naman ito ni V, ayoko kasing magdesisyon ako ng ako lang sa mga gantong bagay. Nakasalalay dito ang career ni Taehyung.

Importante yun sakanya. Nakarating narin kami sa ***** School. Sabay sabay kaming bumaba.

Eto na.

_________

Taehyung's POV

Pawis na pawis kami habang nagpapractice. Magiging tight nanaman ang schedule namin at busy nanaman ako. Mawawalan nanaman ako ng oras kay Leo at Entice. Lalo na, magsisimula ng magaral si Leo. Si Entice nalang ang maiiwan sa bahay, baka nga hindi ko na ata mahatid at masundo si Leo sa school eh. Halos mapatumba ako nung nagstop yung music.

Puyat kami dahil sa sobrang daming schedules. "Wala munang uuwi, may fanmeeting mamaya." Wika ni Manager. Wala ni isa saamin ang tumutol. Pagod na pagod na nga kami eh. Inabutan ako ni Jimin ng maiinom ng tubig. "Thank you, Hyung." Sabi ko agad at lumagok ng tubig.

"Kamusta si Entice at Leo?"

"Okay naman. Bakit mo natanong?" Tanong ko kay Jimin Hyung. "Wala lang. Feeling ko stress na stress ka." Sagot naman niya. Tumawa nalang ako at umiling. Wala naman matutulong yung stress saakin eh.

Walang kwenta. Pinunasan ko ang mga pawis na tumutulo sa katawan ko. Biglang tumunog ang phone ko. Video Call with Entice.

[Hello, Daddy! Nasa car po kami ni Mommy.]

"Hi, Baby. Miss ko na kayo."

[We miss you, Daddy! Nakapunta na po kami sa School.]

"Talaga? Is it nice?"

[Yes po. I saw loads of kids po.]

"Can i talk to Mommy Entice?"

[Yes po, Mommy, tawag ka po ni Daddy.]

"Hello, Love?"

[Nilagay mo ba yung name ko sa papel?]

"Hindi, naiintindihan ko naman V. Bye muna ah, i love you!"


Bigla niyang binaba ang Phone. She don't understand, i want her to put my name on it. Tatay ako ni Leo, hindi ko yun ikakahiya. Nilagay ko nalang ang Phone ko sa telepono.


____________________________________


Entice's POV


Nakauwi na kaming apat sa bahay, kumakain muna kami ng Lunch. Wala pang date kung kelan namin makukuha ang school supplies ni Leo. Next month narin naman ang pasukan, umupo ako sa tabi ni Jasmine na kumakain ng Spam na niluto ko kanina lang. "Hindi ba magagalit si V?" Tanong ni Jasmine.


Kumunot naman ang kilay ko. "Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko pabalik sakanya. Napaisip naman siya. Tungkol nanaman siguro dun sa requirements na kakailanganin ni Leo sa papasukan niyang School. Wag na natin ibig - deal yun. Simpleng bagay eh.


"Baka naman kasi gusto rin naman ni Taehyung na ilagay mo yung name niya sa requirements ng anak ninyo, like, proud Daddy si Taehyung!" Wika naman ni Jasmine. Proud naman talaga si Taehyung na may anak kami, but, importante rin naman sakanya yung career niya.

_____________

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Late na at wala parin si V. "Ano ba yan! Nasaan ba si V?" Nagaalala kong bulong sa sarili ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nagsuot ako ng jacket at lumabas ng bahay. Nagabang ako sa may Garden namin kahit sobrang lamig na. Biglang ko nakita ang kotse ni Taehyung.

Nakahinga ako ng maluwag. Sinalubong ko agad siya sa kotse niya. Biglang may lumabas na babae na nakasexy na damit. "Hey, ikaw ba si Entice? Ito nga pala yung keys ni Taehyung." Wika niya at ngumiti ng mapalad. Hindi ko naman maipinta ang mukha ko. Sino siya at bakit kasama siya ng asawa ko?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Who are you?" Tanong ko. She laughed a little bit. Bwisit naman 'to, anong bang nakakatawa sa sinabi ko? Hindi ako nakikipagbiruan sakanya. Sumilip ako sa kotse at mukhang lasing nanaman si V. Lumingon ako pabalik sakanya, akala niya naman kung sino siya para ihatid sa bahay si V.

"I'm Fatima. Nameet ako ni Taehyung sa bar nung Broken Hearted siya kasi iniwan mo siya." Sagot niya naman. Hindi ko nalang siya pinansin. Binuksan ko ang kotse ng bigla kaya natamaan siya sa braso. Buti nga, napasigaw naman siya ng unti. Ayaw kasing tumabi eh.

Dahan dahan kong binuhat si Taehyung. "Fatima~" Sabi ni Taehyung. May unting kirot si puso ko nung sinabi niya yun. Fatima smiled a little bit. Ano bang meron sakanila? Sinarado ko ang pinto at pumasok sa loob ng bahay namin. Hiniga ko si Taehyung sa kama.

Medyo nagising siya at nagulat siya nang nakita niya akong nakatingin sakanya. "Lasing ka nanaman. Ano ba, Kim Taehyung?!" Sigaw ko. Nakapoker-face lang si Taehyung at parang wala siyang pakialam saakin. Para bang hindi niya ako nakikita dito. I don't want to shout.

Pero, pinahihirapan niya lang yung sarili niya. May schedules pa sila bukas then maglalasing siya ngayon? "Ang sakit lang kasi." Sagot niya naman. Nagiba naman bigla ang aura ko. Naghihintay ako sa mga sasabihin ni V. Naging malungkot ang mga mata niya at napayuko siya.

May nagawa ba ako?

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now