Chapter 3

1.9K 59 37
                                    

Habang naglilinis ako ng bahay, biglang tumunog yung phone ko. "Hello?"

[Hello? Ito po ba si Entice?]

"Yeah, do you need help?"

[Ako po si Jungkook. Lasing na lasing si Taehyung Hyung. Hinahanap ka po.]

"Ha? Nasaan siya?"

[Nasa ***** bar po kami.]

"Sige, salamat."

Agad kong kinuha yung car keys ko at sumakay sa kotse ko. Ano ba namang tao 'yun? Sabi busy sa BigHit pero maglalasing lang naman.

Siguro, nangbababae siya. Pakealam ko ba? Buntisin niya pa mga babae niya eh. Letche siya. Sabi hindi makakauwi dahil busy.

Pero nasa bar pala. Ugh! Hindi siya dapat pumupunta sa lugar na 'yon! Kakasal na kami, ok? Akin na siya.

I mean, ano nalang ang sasabihin ng tao? Yun yun. Nakarating narin ako sa Bar. Pagkapasok ko, lakas agad ng sound yung narinig ko.

Ang daming babae. Nakakainis! Nakita ko agad si Taehyung na nakikisayaw sa mga babae. Hindi ko alam pero naginit yung ulo ko.

Naiinis ako. Oo, naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Bakit ba kasi ang lapit lapit niya sa babaeng 'yon? Nakikipaglandian ata eh.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Ate Irene?"

Oh my god. Bakit? Bakit niya nilalandi si Taehyung. She smirked. I dropped my bag nung ginawa niya 'yun.

She kissed Taehyung.

Mas sumikip yung dibdib ko when Taehyung kiss her back. Ano 'to? Napaurong ako. W-What?

Hindi ko alam yung gagawin ko. Pero tumakbo nalang ako palabas ng Bar. Gusto kong umiyak. Naiiyak ako.

Bakit ganun? Bakit wala akong nagawa? "Kainis ka, Taehyung." Bulong ko.

Hindi ko alam pero umiiyak na ako. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.

"Ikaw ba si Entice?"

Napalingon ako. Sino 'to. Tumango lang ako. "Ako yung tumawag sayo. Ako si Jungkook. Why are you crying?"

"W-Wala. Sige, uuwi na ako."

"Ha? Hindi mo isasama si Hyung?"

"A-Ayaw niyang sumama. Uuwi nalang daw siya magisa n-niya. Sige, salamat sa p-pagtawag."

Iniwan ko nalang siya dun. Bakit ang sakit?

____________

"Ginawa niya talaga 'yon?" Tanong ni Miranda. I just nodded. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

Hindi parin nakakauwi si Taehyung sa bahay kaya dito muna ako pumunta kay Miranda at Ann.

Aaminin ko, nagagalit parin ako kay Taehyung. "Oh, anong naramdaman mo?" Dagdag ni Miranda.

"Nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit."

Nanlaki naman ang mga mata ni Ann. "Mahal mo! Mahal mo siya!"

Binatukan siya ni Miranda. Grabe naman 'yun. Wala pa ngang one month, mahal agad?

"Hindi pwede, Entice. Diba sinabihan na kita?" Paalala ni Miranda.

Tumango lang ako. Mahal ko ba si Taehyung? "Sandali nga! Mahal mo ba si Taehyung?" Tanong ni Ann.

"No. Yes. Maybe. Baka. I don't know!"

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now