Chapter 37

823 38 4
                                    

Entice's POV

Pagkapasok ko sa BigHit, nasalubong ko si Ann at Jimin. "Ann, nasaan siya?" Tanong ko. Nagulat si Ann kaya medyo nataranta siya at hindi nakasagot. Tumingin naman ako kay Jimin. "Ano?! Wala bang magsasalita sainyo? Jimin? Ann?" Wika ko.

"Nasa PR silang dalaw-"

Hindi ko pinatapos ang sabi ni Jimin, agad akong tumakbo papuntang elevator. Napatigil ang dalawa sa pagbukas ng elevator. Napatingin ako diresto sa mata ni Taehyung. Nanghina ako nung nakita ko si Alex sa tabi niya. Pilit akong ngumiti.

"T-Taehyung? Eto ba yung kukunin mo?" Sarcastic kong tanong. Tumakbo papunta saaming tatlo si Ann at Jimin. Hinawakan ako ni Ann sa balikat. "Bes, tama na ya-"

"Sumagot ka, Kim Taehyung." Wika ko. Alex raised her eyebrows. "Obvious ba? Oo. Ako ang pinuntahan ni V dito." Sagot niya. Tumingin ako sakanya habang nakakunot ang kilay ko.

"Shut up. I am not talking to you." Wika ko. Hindi lang siya sumagot. Tumingin ako diresto kay V.

"Alam mo kung magtatago ka sakin, galingan mo naman. Ayan tuloy, napapahiya ka sa harapan ng Alex mo. Maglandian lang kayo, wala akong pakialam." Sabi ko at lumabas ng Building.

Gago ka, V. Gago ka talaga.

__________

Taehyung's POV

"Nagkamali kayo ng akala!" Sigaw ko kela Ann at Jimin. Napayuko naman sila. Ok, i'm mad. Sige, nagsinungaling ako kay Entice na may kukunin ako. Nagdinner lang naman kami ni Alex eh. A friendly date. Wala ng iba! Tinarayan kami ni Alex. "Masyado kasing maarte yang asawa mo! OA pa." Wika ni Alex.

Sumama ang tingin ni Ann kay Alex. "Pwede ba, shut up ka nalang kung wala kang magandang sasabihin? Ang panget mo na nga ang panget pa ng ugali mo. Bakit hindi ka nalang tumira sa basura? Tutal basura ka." Ani Ann. Inawat naman siya ni Jimin. Nagalit si Alex sa sinabi ni Ann kaya napatayo siya.

"Ewan ko sainyo." Sabi niya at naglakad palayo. Napasabunot nalang ako, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari kay Entice. Natatakot ako na hindi siya maniwala sa explanation ko. Napatingin ako kay Ann at Alex. "Bakit ka kasi nakipagdinner kay Alex? Anong pumasok sa isip mo, V?" Tanong ni Jimin. Napanganga ako. "Walang masama dun, Hyu-"

"Meron dahil may asawa ka na! Taehyung, alam mo namang magagalit si Entice diba?"

Napayuko nalang ako. Ano ba namang pinasok ko? Ang gulo na ng lahat at magkaaway nanaman kami ni Entice. It's bad for her health! Galing lang siya sa depression and now i'm giving her a reason to be stress. "Chill, V. Kailangan lang ng space ni Entice." Sabi ni Ann saakin. Lumingon ako sakanya.

"I'm wrong, i'm sorry." aniya. Ngumiti lang si Ann. "Magsorry ka kay Entice. Wag samin."

K FINE.

_______________________


"Entice, gusto mong pumuntang MOA?" Tanong ko sakanya. Umiling lang siya at padabog na nilapag ang pinggan sa harapan ko. Susunduin kasi namin si Leo mamaya. Kaya, pwede kaming dumaan sa MOA. Wala lang, bonding time. "Maglalaba ako, wag nalang." Sagot niya.


Pilit nalang akong ngumiti. She's still mad. Tahimik lang kaming kumain. "Kamusta?"


"Eto, inis na inis dahil sa kalandian ng tao ngayon." Sagot niya naman. I sighed.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now