Missing ( Chapter 60 )

644 23 2
                                    

Taehyung's POV

Sabay sabay kaming kumain. Katabi ni Taeyeon Noona si Storm habang sinusubuan ito. Naguusap rin si Noona at Entice. Katapat ko naman si Baekhyun Hyung na inuubos ang cake na binili niya para sa kaarawan ng Anak.

Ewan ko nga kung bakit siya ang kumakain eh. Dapat si Storm, "Kamusta, Pre?" tanong ko.

"Okay lang naman. Pupunta ako sa London, may mission ako don."

"Ingat pre."



************

Entice's POV

"Thank you sa pagpunta." sabi ni Taeyeon Unnie habang inaayos ang kama ni Storm dahil matutulog narin ang bata.

Ngumiti naman ako, "Wala 'yon, Unnie. Namimiss ko narin kasi 'to si Storm."

"Kamusta na pala kayo ni Taehyung?" tanong niya.

"Ganun parin. Kaso, wala nang nagpapangiti samin sa bahay." sagot ko at pilit na ngumiti.

Natahimik nalang si Unnie. Umupo siya sa kama at tumingin saakin. "Then make another one." nakangiti niyang sabi.

"Naku! Halos mamatay nga ako kay Leo eh."

Napatawa naman si Unnie. "Pero sulit naman diba?"

Natigilan naman ako at dahan dahan na tumango. Sulit na sulit talaga. I smiled.

"Alam mo, wala naman kasing masama kung susubukan niyo ulit. Mananatili parin naman si Baby Leo sa puso ninyo."

Tama. Tama si Unnie.

************

Kasama ko si Miranda ngayon. Nasa bahay niya kami at eto, nanonood kami ng Movie. Kanina pa nga ako iyak ng iyak eh. Tapos siya, chill lang habang kumakain ng popcorn.

"Ang boring naman nyan, Entice." wika niya.

I rolled my eyes. "Ang ganda kaya! Manood ka kasi ng maayos."

Habang tutok na tutok ako sa panonood ng movie. Nagulat nalang ako nang bigla itong namatay. Agad akong lumingon kay Miranda na may hawak hawak na remote control. Napakamot naman ako sa batok.

"Miranda naman eh!"

Pilit kong kinukuha sakanya ang remote pero ayaw niya naman itong bitawan at pilit niya itong nilalayo sakin. Kainis na.

"Shh! May chika kasi ako!" sabi nito kaya natahimik ako.

"Ano?"

"Nagkita kasi kami ni Jungkook sa library."

"Oh tapos? Nabuntis ka?"

"Gaga ka ba!?"

Umiling lang ako. Ang boring naman kasi ng chika niya. Edi nagkita sila, anong meron? Normal lang naman yun eh. Magulat siya hindi niya na makita si Jungkook diba?

"Ang weird lang kasi! Kung nakita mo ba yung ex mo sa public, iaapproach mo ng ganon?" tanong ni Miranda.

Napaisip naman ako sa tanong niya, "Depende rin kasi yon 'no!"

Syempre, kung naiinis kayo sa isa't isa malamang hindi kayo magpapansinan pero kung okay kayo nung nagseperate kayo. Pwede pa 'yon. Anyway, wala naman akong EX. I can't relate.

Napalingon naman ako kay Miranda na nagiisip parin, "Oh, akala ko ba nakamove on ka na?" tanong ko at sinubo ang popcorn.

Bumalik naman si Miranda sa katinuan. Tsk. Ako pa ang sinabihan niya ng hindi totoo. I know her so much. Alam ko kung ano talaga ang nararadaman niya. Mahal na mahal niya si Jungkook kaya nahihirapan talaga siyang kalimutan ang nararamdaman niya para rito.

Pero ano nga ba ang magagawa niya kung hindi na siya diba? Alangan naman pilitin niya si Jungkook na balikan siya.

"Wala nanaman akong feelings sakanya. Past is past." wika nito.

"Sige. Kunyari naniniwala ako."

*************

Nakauwi narin ako sa bahay. Wala pa si Taehyung kaya naisip kong magtupi muna ng mga damit namin bago magpahinga. Pagkatapos, nilinis ko ang kwarto namin at ang banyo. Pinalitan ko narin ang mga damit ng kama at mga unan.

Nilinis ko ang kusina at ang sala. Pinalitan ko ang mga kurtina at nilinis ko ang aircon. "Wooh! Feeling ko talaga ako na si Wonderwoman." sabi ko sa sarili ko.

Nagshower ako at nagsuot ng pajama. Uminom muna ako ng tubig at umakyat na sa kwarto namin. Bakit kaya wala pa si V?

****************

Minulat ko ang mga mata ko. May nakita akong anino sa pintuan. "T-Taehyung." tawag ko.

Naramdaman ko ang mainit na kamay niya. Basta ang alam ko, buhat buhat ako ni V. Dahil sa sobrang antok ko, nakatulog ako sa bisig niya.


********

Taehyung's POV

"Ingat kayo." sabi ko at nagwave kela Hyung. Ngumiti ako at pumasok sa kotse ko. Late na kami nakauwi kasi todo practice na kami para sa comeback. Binilisan ko narin ang pagdrive dahil baka naghihintay pa si Entice.

Nakarating narin ako sa bahay. Pinark ko ang kotse sa loob ng bahay namin. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at sarado na lahat ng ilaw, it means tulog na si Entice.

Sinabit ko ang bag ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. I'm sure na tulog narin si Entice. Umakyat ako sa taas. Hindi ko narin binuksan ang ilaw.

Naghubad ako ng tshirt at tumuloy sa kama. "Entice?" pagtawag ko.

Walang sumasagot kaya agad akong nagtaka. Tulog na tulog naman 'to. Dati kaya lagi niya akong sinasalubong. Hinihintay pa nga ako. Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Laking gulat ko nang wala akong nakitang Entice.

Agad naman akong nagalala kaya kinuha ko agad ang Phone ko at tinawagan si Jasmine.

"Jasmine?"

[Hi, Tae. Napatawag ka?]

"Kasama mo ba si Entice? Wala kasi siya dito eh."

[Huh? Hindi. Wala siya dito.]

"Okay. Thanks."

Binaba ko ang telepono. Saan naman siya pwedeng pumunta? Nagsuot ako ng tshirt at jacket dahil medyo malamig narin sa labas. Pumasok ako sa kotse ko at pumunta sa bahay nila Entice.

Sarado na ang gate at walang guard kaya nakakapagtaka. "Tao po!" sigaw ko. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Irene na nakasuot ng pajama.

"Taehyung? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Irene.

Nakasuot ito ng black na tshirt at nakasuot pa ito ng rubber shoes. Kinusot niya ang mata niya. "Natutulog na ako eh." wika nito.

"Pasensya na. Pero andyan ba si Entice?" tanong ko. Umiling lang siya.

Nasan na ba 'yon?

**************

No text.

No call.

Sobra na akong nagaalaa. Tinawagan ko narin ang Mom niya saka sila Ann pero ganon parin. Walang sumasagot o hindi daw nila alam. Tinawagan ko rin siya pero nasa bahay pala yung Phone niya. Umupo sa tabi ko si Namjoon Hyung.

"Baka naman nakalimutan mo na may lakad pala siya. Chill." sabi niya at inabutan ako ng kape.

Ngumiti lang ako pero hindi parin naaalis ang aking pagaalala. "Pumunta ka ba sa bahay nila Entice?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo. Kinausap ko nga yung Ate niya, sabi wala naman daw don."

"Hmm. Ano suot ng ate niya? Anong sinabi ng ate niya?"

Bigla naman akong nagtaka sa mga tanong ni Namjoon Hyung.

May kinalaman ba si Irene dito?

****************

MY BABIES ETO NA HOHO

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now