Unexpected ( Chapter 56 )

801 28 3
                                    

Entice's POV

Pumasok kami sa isang private na karaokehan. Kaming apat lang, Ako, Ann, Miranda at Jasmine. Ayokong uminom ng alak kaya nakaupo lang ako habang pinapanood na kumanta si Jasmine.

"G*go ka. Akala ko ba mahal mo ko!?" kanta niya. Oo nga eh, wala naman yun sa lyrics pero yun yung kinakanta niya.

Sabagay, siya naman may kasalanan niyan. Sinabi lang naman na gusto siya hindi mahal. Umasa siya eh, wala tayong magagawa. Si Miranda naman, imbis na pigilan si Jasmine.

Aba! Vinideo pa. Si Ann naman, kumakain lang. Food is life talaga siya. "Hoy! Tama na!" sigaw ni Ann kay Jasmine.

Sumama naman ng tingin ni Jasmine kay Ann at umupo sa tabi ko na pagewang gewang dahil nga lasing narin siya. "Mahal ko lang naman siya eh." iyak ni Jasmine.

Bumuntong hininga naman ako at hinagod ang likod niya, "Kung hindi siya ang para sayo, ibig sabihin may ibang lalaki na darating para mahalin ka." sabi ko kay Jasmine.

"Ano ba kasing nagustuhan mo don kay Jake? Jake Virus. Hahaha!" biro naman ni Ann. Nabulunan tuloy siya dahil nga kumakain diba?

Mas lalo namang natawa si Miranda dahil nabulunan nga si Ann. Tawa muna, bago tulong. "Oo nga. Makakalimutan ko rin yung g*gong 'yon!" sigaw ni Jasmine at tumayo.

Ayon, sumayaw-sayaw.

**********

Taehyung's POV

"Goodnight, Daddy. See you tomorrow with Mommy Entice." sweet na sabi ni Leo at hinalikan ako sa pisngi. Binawian ko naman ito ng matamis na halik sa noo.

Pinatay ko ang ilaw at isinarado ng maayos ang pintuan ng kwarto niya. Nilabas ko ang Phone ko at tinext si Entice.

 Nilabas ko ang Phone ko at tinext si Entice

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


11:35 na pala. Pumasok ako sa banyo at nagbanlaw. Para lang mapreskuhan ako. Habang nasa banyo ako, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng banyo. "Babe? Naliligo ka?" tanong ni Entice habang nagtotoothbrush sa lababo.

Don't worry, may kurtina naman na nakaharang. "Oo. Buti hindi ka lasing." sabi ko.

Nilagay ko ang tuwalya sa bewang ko at lumabas ng shower. Nasa lababo parin si Entice kaya binackhug ko siya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I just miss her.

Kahit madalas kami magkita, namimiss ko parin talaga siya. "Bilisan mo na diyan. Tulog na tayo." wika ko. Tumango lang siya at hinalikan ako sa pisngi.

*************

"Magingat kayo, V." paalala ni Entice habang nilalagay ko ang bag ni Leo sa kotse. Tumango lang ako at ngumiti.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now