The Memories Are All Back ( Special Chapter 25 )

1.1K 35 4
                                    

Entice's POV

Lumapit ako sakanya habang siya paatras ng paatras. "First of all, hindi ako malandi. Minahal ako ni Taehyung. Sino ba talaga ang nangagaw, Alex? Past ka niya. Ako na ang present pero kinuha mo na pati ang future, gaga ka. Ginawa mong English Book yung sarili mo. Hindi ka ba nahihiya o nakokonsenya? Sinira mo ang pamilya na binuo namin ni Taehyung. May anak kami, Alex. Siguro kung hindi mo siya kinuha, ang saya namin ngayon." Sabi ko.

"Inisip mo muna yung kapakanan at kaligayahan mo. Sa tingin mo matutuwa si Taehyung kapag nalaman niya ang lahat? Are you even educated? Ang ganda mo, ang yaman mo. Sexy ka, hindi mo naman ginagamit yang utak mo. Gamitin mo, sayang naman. At kung ayaw mo naman, gamitin ibenta mo nalang mas makakatulong ka pa sa bansa. At ako? Malandi? Hindi makuntento?" Dagdag ko.

"Isipin mo muna lahat ng ginawa mo, Alex. Mahiya ka, please. Nandidiri ako sayo. You know what? I don't want to hate you but you're making me." Sabi ko.

Napanganga lang siya. Nagulat ako ng sinampal niya ako.

Siya pa talaga ang may ganang manampal? Sinampal ko rin siya.

"Don't touch me!" Sigaw ko. Galit na galit kamin dalawa sa isa't isa. Demonyo siya.

Hindi ko siya mapapatawad. Sinira niya ang buhay ko.

Nakayukom ang kamao ko. "Sinira mo ang buhay ko, at sisiguraduhin kong magbabayad ka." Wika ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Malalaman ni Taehyung lahat nang ginawa mo!" Dagdag ko at umalis.

It's not done.

_________________

Taehyung's POV

Nagising ako sa kama namin ni Alex. Nasa tabi ko siyang natutulog.

Napangiti ako. "Alex." Sabi ko.

Nagising siya sa boses ko. "Good morning, Babe. Buti gising ka na." Sabi ni Alex.

Ngumiti lang ako. Tumayo siya bigla.

"Kukunin ko lang yung hinanda kong pagkain." Wika niya at lumabas ng kwarto. Kinuha ko muna ang Phone ko. Chineck ko lang ang message ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung nakita kong may text ang gumagawa nang phone ko.

To: Kim Taehyung
It's done, Sir. I'll send it to you immediately.

Napangiti ako hanggang langit. I'm excited. Tinago ko ang Phone ko.

Secret lang kasi yun. Bumukas ang pintuan at may dalang breakfast si Alex. Nilapag niya iyon sa harapan ko.

"Eat well, Taehyung." Wika niya. Binigay niya saakin ang gawa niyang tea. Mukhang masarap ah. "Maiwan muna kita." Sabi niya at umalis.

_________________

Ann's POV

"Kaloka!" Sigaw ko. Nandito sa Pinas si Taehyung? Hay nako, ayokong makita yan. Niloko niya si Entice.

Ang bestfriend ko. "Gago. Nabigla rin nga ako eh." Sabi ni Jasmine. Nandito kaming apat.

Nagpapahinga na si Storm at Leo. Hindi ko nga makalimutan yung nangyari kanina eh. Hindi ata ako makakatulog.

Tulala parin si Entice. "Kuha lang ako nang tubig." Sabi ni Miranda at umalis. Bumuntong hininga nalang ako. Akala ko magiging masaya ang bakasyon na ito.

This is worse. Bakit kasi umuwi pa yang Taehyung na yan eh! Sinira niya ang lahat. "It's actually weird." Sabi ni Entice.

"Nabunggo ko siya, and parang wala na siyang naalala at hindi niya ako kilala." Sabi ni Entice. Napaisip ako. Nakalimutan niya na ang lahat kung ganun?

Nagisip nang mabuti si Jasmine. "Paano kung ang dahilan ng pagalis niya dati ay para makalimutan ka?" Tanong ni Jasmine. Huh?

Bakit naman? Napaisip ako. "Paano kung plinano ito nang pamilya ni Taehyung?" Tanong ko. Natigilan sila. Opps.

Pero, baka yun kasi. Mahal ni Taehyung si Entice eh, hindi niya yun basta basta gagawin.

"We should sleep na." Sabi ni Entice.

____________________

Entice's POV

Naglalakad ako sa beach magisa. Gabing gabi narin. Wala ng tao.

Umupo ako sa may sand. "Taehyung, miss na miss na kita. Love, bumalik ka na." Sabi ko habang umiiyak. Bakit kailangan pa tong mangyari?

Bawal ba maging masaya? Biglang may tumabi saakin. Si Leo pala.

"Mommy, please don't cry." Wika niya. Niyakap niya ako.

Tuloy tuloy parin ang patak nang luha ko. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal.

Mahal na mahal ko parin si Kim Taehyung. Pero, may mahal na siyang iba at hindi ako yun.

I hugged Leo back. "Thank you, Leo. Mommy loves you." Sabi ko. He smiled. Yah! Bakit square?

"I know, Mommy! I love you more!" Sigaw niya at hinalikan ako sa cheeks.

_______________

Nagising nalang ako na katabi ko si Leo at Storm. Tumingin ako sa Phone ko at 5:40 palang. Bumangon na ako.

Nagshower at nagsuot ng swimsuit. Bumaba ako sa hotel para magbreakfast. Nakita ko agad yung tatlong matakaw.

"Good morning, Gabrielle!" Sigaw ni Miranda. Tinarayan ko siya. Remember? Ayokong tinatawag akong Gabrielle.

That's not my name! "It's Entice. Not Gabrielle." Mataray kong sabi.

Tumawa lang silang tatlo. Kumuha ako nang pagkain sa buffet at umupo sa tabi nila.

"Uh oh! May ahas ata." Sabi ni Jasmine. Huh? Lumingon ako sa tinitingnan nila.

Si Alex at Taehyung lang pala.

Hindi ko napansin si Alex, kay Taehyung lang ako nakatingin.

Nandito ang asawa ko. Ang tatay ni Leo. Gusto kong tumalon sa tuwa.

Pero hindi siya pumunta dito para samin. Kundi, para kay Alex.

Napayuko nalang ako. Iniiwasan kong tumulo ang luha ko. "What a crybaby." Rinig kong sabi ni Alex.

Tatayo na sana si Ann kaso pinigilan ni Miranda. "Bruha to ah." Bulong ni Ann. Nanggigigil rin nga ako eh.

"Hayaan niyo na sila." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ko.

_____________

Taehyung's POV

Nasa room na kami ngayon. Nagshoshower si Alex habang ako nakahiga sa kama namin.

Nadeliver na daw nung lalaki yung mga photos eh. "Alex! Baba lang ako." Wika ko.

"Sige lang, Babe. Balik ka nalang agad." Sagot niya. Binuksan ko ang pinto at nagmadaling bumaba sa elevator.

I'm excited. Nung nakalabas ako sa elevator may nakita agad akong delivery man. "Bro." Sabi ko.

"Hi. Ikaw po ba si Kim Taehyung?"

"Oo ako nga." Sagot ko. Binigay niya saakin ang box. "Ayan ho." Wika niya.

Nagpasalamat ako kaagad. Pumunta muna ako sa garden nang hotel para magpahangin.

Binuksan ko ang box. Chineck ko agad yung pictures. Teka, bat wala si Alex?

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"E-Entice?"

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now