Chapter 16

1.3K 40 7
                                    




"Girl, you no swag!" Sigaw ni Jasmine dahilan mapairap ako. Kinuwento ko kasi sakanila yung nangyari saamin ni Taehyung. Okay, alam kong ako yung mali. Nabigla lang talaga ako. Hindi ko sinasadyang gawin yun sakanya.


Napahawak ako sa ulo ko. "Entice, may plano ako." Wika ni Jasmine.


Taehyung's POV

Hindi ako mapakali. Nagaway nanaman kami ni Entice. Dapat pala sinabi ko nalang sakanya nung nalaman ko.

Sinekreto ko kasi natatakot ako na magalit siya. Pero mas nagalit pa siya. Tumabi saakin si Jungkook. Binigyan niya ako ng tubig.

"Ok ka lang, Hyung?" Tanong niya. Umiling ako kaya napabuntong-hininga siya. Paano ako magiging ok kung nagaway kami nang asawa ko?

Sobrang nagaalala ako. "Kaya niyo 'yan. Magusap lang kayo." Payo niya. Ngumiti ako at tumingin sakanya. "Hoy! May girlfriend ka na 'no. Kaya ka ganyan." Pagasar ko sakanya.

Tinarayan niya ako kaya napanganga ako. "To fab to fall in love." Wika niya at umalis. Aba, ang lakas nang topak nun.

Sasapakin ko nga yun mamaya. Nakakaasar eh.

______________

"Ok, out!" Sigaw ni Coach. Agad akong umupo sa sahig. Pawis na pawis na ako. Nagpractice kasi kami para sa darating na awarding.

Kumuha ako nang tubig at ininom ito. I should go home. 11:42 na. Tumayo ako at nagpalit ng t-shirt. "Aalis ka na, Taehyung?" Tanong ni Suga Hyung.

"Oo, hyung. Baka hinahanap na ako nang asawa ko." Sagot ko at binuhat ang bag ko. Lumabas ako sa Building, agad kong nakita si Jennie na natutulog sa sahig.

Nilapitan ko siya. "Jennie, gising." Wika ko. Niyugyog ko ang braso niya ka nagising siya. Agad siyang ngumiti at niyakap akong mahigpit.

"I miss you, Oppa." Sabi niya. Tinanggal ko ang braso niya sa leeg ko. Ayan nanaman siya, ayoko ng ganyan.

May asawa na ako. "Uuwi na ako, Jennie. Umuwi ka narin." Sabi ko at naglakad palayo. "Tae! Tae!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo saakin. Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

________________

Entice's POV

Kasama ko si Miranda, Ann at Jasmine ngayon. Dala dala namin yung surprise para kay Taehyung. Excited na ko. And kinakabahan rin.

Baka kasi, makita kami ng fans or maging cold pa siya lalo. Nagtago muna ako sa isang plant. "Galingan mo." Paalala ni Jasmine. Tumango lang ako.

Kaya 'yan. Agad akong tumayo at tumili. "I love you, Kim Taehyung!" Sigaw ko at sabay ang pagbukas nangmalaking banner, paglipad nang balloons at pagsabog ng confetti.

Binuksan ko ang mga mata ko dahilan para manghina ako. He's kissing Jennie. "Uhh, i-ibang Taehyung 'yan. Alien v-version yan, Entice. Lika na, alis na tayo." Wika ni Ann.

Tuluyang tumulo ang luha ko. Biglang tumakbo yung tatlo kong kaibigan papunta kay Jennie at sinabunutan ito.

"Ang landi mo, Babae ka!" Sigaw ni Jasmine. Agad akong tumakbo palabas ng Building pero hinabol ako ni Taehyung.

Niyakap niya ako mula sa likod kaya napatigil ako sa pagtakbo. "Entice.." Umiiyak niyang sabi. Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa bewang ko.

"Let me go!" Sigaw ko habang umiiyak. Pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap saakin. "Entice, let me explain." Bulong niya.

Inalis niya ang kamay niya sa bewang ko at nagsimulang magsalita. "Pauwi na sana ako nun. Nakita ko siyang natutulog sa floor. Ginising ko siya tapos niyakap niya ako. Tumayo ako nun tapos pinigilan niya akong umalis. Then, she kissed me." Paliwanag niya.

Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Hindi ko siya kayang iwan. Mahal na mahal ko si Taehyung. "Mahal kita, Entice. I'm sorry." Wika niya habang nakayakap saakin.

"I love you too."

_________________


Entice's POV


"Wag kang papayag. Mamaya parape ka nung babaeng 'yun eh!" Sigaw ni Miranda. Tinarayan ko siya.


Kung ano ano iniisip nito. Wala naman sigurong masama kung magkita kami ni Jennie eh.


"Hoy, wag ka ngang nega." Wika ni Jasmine at binatukan si Miranda. Ang lalakas talaga ng mga trip nito eh.


Tumingin ako kay Ann na tahimik habang kumakain ng popcorn. Kinalabit ko siya kaya nagulat siya. "Anong iniisip mo? Ikaw ah!" Sigaw ko.


Malungkot siyang umiling at umakyat sa taas. Kumunot ang noo naming lahat.


Anong nangyari kay Ann? "Sus, namiss niya lang si Jimin." Wika ni Jasmine. Well, wala na ako diyan. Tumayo si Miranda.


"Magbihis ka na, Entice. Dapat maganda ka sa tingin ni Jennie para mas mainsecure siya sayo 'no." Sabi ni Miranda kaya napatawa ako.


Ang lakas talaga ng trip nilang lahat. Hindi pa nakuntento sa pagsabunot kay Jennie kagabi. Tumayo na na ako at umakyat para magbihis.


_______________________

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nagsuot ng kwintas. Ngumiti ako sa salamin at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako nang kwarto.


Bumaba na ako at nakita ko sila Jasmine at Miranda na hinaharot si Taehyung. Agad silang tumigil.





"Hoy, tama na. Baka may magselos!" Sigaw ni Taehyung. Inirapan ko lang siya kaya tumawa silang tatlo. Agad akong niyakap ni Taehyung.


Busy po kasi siya. Ilalabas na kasi yung bagong album nila. Magipon na kayo. "I miss you, Baby." Malungkot niyang sabi. Binato kami ng unan ni Miranda.


"Walang forever! Hindi pinili ni Keila si Dwayne huhuhu." Sigaw ni Miranda. Ok? Hindi ko sila kilala.

Hinalikan ako sa pisngi ni Taehyung. "Have fun with Jennie, Love." Sabi niya at ngumiti.

Ginulo ko ang buhok niya at umalis na. Sumakay ako sa kotse ko at umalis papuntang **** Cafe.

Nakarating narin ako after 18 minutes. Hinanap ko agad siya.

Nakita ko siya kasama si Jisoo. Lumapit ako sakanila. "Hello." Nahihiya kong bati.

Tinapik ni Jisoo ang upuan na nasa tabi niya. "Hi! Upo ka, Ate." Sabi niya. Nginitian ko lang siya.

Nakataas parin ang kilay ni Jennie. Ang lakas talaga ng loob niya. For your information, i'm the wife!

Duh! "So, Entice Gabrielle Marco, how's your day?" Sassy na tanong ni Jennie. Kailangan ba talagang full name?

At ayokong natatawag akong Gabrielle. I just hate it. "Maayos naman. Sinalubong ako ng asawa ko bago ako umalis rito." Sagot ko.

She smirked. "Kilala mo ba yung ex-girlfriend ni Taehyung?" Tanong ni Jennie. Ex-Girlfriend? Yun yung nakita ko sa picture diba?

"Uuwi na siya sa Pilipinas upang maging makeup artist ni Kim Taehyung."

________________

Sorry sa Late UD. Tengene, maraming projects.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now