Chapter 31

962 36 1
                                    

Entice's POV

Binuksan ko ang kwarto namin at nakita kong tulog na si V. Buti naman, ang awkward parin eh. Pumasok ako sa banyo upang magshower.

Para mapreskuhan lang ng onti. Naglotion ako at tumabi kay V. Humarap siya bigla saakin kaya bumilis ang tibok nang puso ko. Hinawakan niya ako sa bewang.

Niyakap niya ako bigla. "I love you." Sabi niya. Napangiti lang ako sa sinabi niya. Lagi niya akong pinapangiti. "Alam mo naman yung sagot ko diyan." Wika ko.

Tumingin siya diresto sa mata ko. Naghihintay siya ng sagot mula saakin. "I love you too, Taehyung." Sabi ko. Hinalikan niya ako sa noo.

I love you so much.

___________________

Binisita ko lang ang Boutique ko. I can't imagine na bukas na ulit ito. Pagkapasok ko, nakita ko agad ang mga workers.

Sayang, hindi ko kasama si V. Busy kasi siya ngayong araw. "Hello, Ma'am." Bati nung isang worker. Binigyan ko siya nang malapad na ngiti.

Nakatanggap ako nang call kay Taehyung.

[Hello, Love?]

"Taehyung, bakit ka napatawag?"

[Hmm, medyo malalate ako n-ng uwi ngayon.]

"Ha? Bakit?"

[Busy kasi kami eh. Wag mo na akong hintayin.]

"Okay. Taehyung, we good?"

[Yeah.]

Nagulat ako nung binaba niya na ang call. Something's wrong with him. Baka, masakit lang ang pakiramdam niya or what. Kagahapon lang, ayos naman siya.

Anong nangyari dun? Tumulong lang ako ng unti sa Boutique at umuwi narin ako. Syempre, baka magising na sila Leo.

Binuksan ko ang kwarto nila. Natutulog parin sila hanggang ngayon. Lumapit ako kay Leo.

"Baby, i love you." Sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala saakin si Leo, mahal na mahal ko yung anak ko.

Mahal ko silang dalawa ni Taehyung. "Sana walang magbago. Sana hindi na tayo iwan ng Daddy mo, Leo." Dagdag ko. Ayoko, ayokong may mawala. Biglang nagising si Leo.

"Good Morning, Mommy." Sabi niya at hinalikan ako sa cheeks. Napangiti ako sa ginawa niya.

Ang sweet naman ng Baby ko. Manang mana sa tatay. "Baby, do you want to eat na?" Tanong ko.

Umiling lang siya. "Where's Daddy?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti.

"Nasa work eh, medyo busy ngayon si Daddy." Sagot ko. Lumiwanag ang mata ni Leo.

"Mommy! Let's surprise Daddy!" Sigaw niya.

Mapapasakay nanaman ako ni Leo.

______________

Taehyung's POV

Nagpapractice kaming lahat ngayon. Ilang ulit na nga at pagod narin ako. Pero, wala talagang rest at break ito.

Natapos narin lahat nung tinigil ang kanta. Napaupo agad ako at uminom nang tubig. "Kakapagod, hays." Sabi ni Suga Hyung.

Kinuha ko ang Phone ko. Bakit hindi ako tinatawagan ni Entice? Wala man lang akong energy. Tumayo muna ako para magpalit nang Tshirt sa CR.

Pagkalabas ko nakita ko si Leo kaya nanlaki ang mga mata ko. "Leo, come." Wika ko at hinatak siya papuntang sulok at nandun rin si Entice. Nakangiti lang silang dalawa.

"Surprise, Daddy! Nagbake si Mommy ng cake." Wika ni Leo. Nairita ako bigla.

"Entice, ano bang ginagawa niyo dito? Paano kung may makakita sainyo?" Naiirita kong tanong. Natahimik silang dalawa.

Kailangan lang kasi naming magingat. Sekreto nga lang diba. "Ganun ba? Pasensya na, Taehyung. Hindi na ulit kami tutungtong dito." Sabi ni Entice.

Ayan nanaman eh. Nagiinarte nanaman siya. "Ano ba kasing sinabi ko sayo? I told you i am busy! Stupid!" Sigaw ko. Mas nagalit siya sakin.

"EDI SANA SINABI MO NALANG NA AYAW MO KAMI MAKITA! LETCHE!" Sigaw niya.

"Daddy, Mommy, please don't f-fight."

Mahinang umiiyak si Leo. My heart broke. Mas nanghina ako nung nakita ko si Entice ba umiiyak narin. Binuhat niya si Leo.

"Baby, lika na. Alis na tayo." Umiiyak sa sabi ni Entice. I froze. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun.

Iniwanan nila ako nakatayo dun.

Gago ka, Taehyung!

____________

Entice's POV

Umiiyak sa kotse si Leo. Ako naman, pinipigilan ko na yung luha ko dahil baka mas lalo pang umiyak si Leo.

"Baby, stop crying na."

Nanginginig ang boses ko. Ayoko nang umiyak, sa bahay nalang. Pinunasan ko ang luha ni Leo at binigyan siya ng tubig.

Sinisinok na kasi. "W-What's wrong with him, Mommy?" Tanong ni Leo. Bumuntong hiningi nalang ako. Nagkanda-letche letche na.

"Maybe, nabigla lang siya. Rest nalang muna tayo, Leo."

______________

"Kaya nung nakita ko siya sa Palawan, nagagalit ako eh." Sabi ni Jasmine. Kinuwento ko sakanila yung nangyari kanina sa Bighit.

Kumakain lang ng cookies si Ann. "Baka naman pagod na pagod siya." Dagdag ni Ann. Siguro nga, pero naiirita yung boses niya eh. Hindi naman ganun yun si Taehyung. May dahilan kung bakit cold siya.

Ang cold niya ngayon pero maayos siya kagahapon. Hay nako, CLIMATE CHANGE!

"Nababaliw na ako sa kakaisip kung bakit siya ganun!" Pagiinarte ko. Inabot saakin ni Ann yung cookies na kinakain niya kaya nagtaka ako.

Ngumiti siya. "Ikain mo nalang yan, Bes. Baka sakaling makalimutan mo." Wika ni Ann.

Binatukan siya ni Jasmine. "Ano ba! Puro ka pagkain, Ann." Saway ni Jasmine. Dinilaan lang siya ni Ann. Tom and Jerry to oh.

Away nang away. "Nasaan si Leo?" Tanong ni Jasmine. Bumuntong hininga ako.

"Pinatulog ko muna, iyak ng iyak. Sige, umalis na nga kayo!" Sigaw ko.

_______________

Pumasok ako sa kwarto ni Leo at Storm. Ginising ko silang dalawa. "Ligo na, Babies." Sabi ko. Tumayo agad silang dalawa at pumasok sa banyo. Binuksan ni Storm ang tubig sa bathub.

Kumuha ako ng twalya at sabon. "Babies, dili na. Dun na sa bathtub." Wika ko. Agad silang lumusong duon.

"Mommy, can we take a bath alone?" Tanong ni Leo. Marunong na kaya tong mga 'to. "Please!" Sigaw ni Storm.

Bumuntong hininga ako. "Sige, pero bilisan niyo baka magkasakit kayo and don't close the door." Sabi ko.

Tumango lang sila. Bumaba muna ako para maglinis. Natigilan ako nung tumunog ang phone ko.

"Hello?"

[Noona? Nasa club po ulit si Taehyung Hyung.]

"Huh? Akala ko ba busy kayo?"

[Nagpractice lang po kami. Natapos po yung practice namin mga 1:45 PM.]

"Nasa club si Taehyung?"

[Opo, lasing.]

"Sige. Thank you, Jungkook."

[Sige lang, Noona. Ingat!]

Kim Taehyung, ano bang nangyayari sayo?

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now