Chapter 11 ( Featuring BlackPink Jennie )

1.5K 48 0
                                    

Entice

"Anong tawag sayo?" Tanong ni Ann. "Tanga." Sagot ko. Masama bang umasa? Binato ako ni Miranda ng unan.

"Alam mo yung masakit? Hindi narin namin nameet yung mga asawa namin dahil hinanap ka namin."

Huminga ako ng malalim. "Ok, sorry! Libre ko nalan--"

"YESH! SIGE LANG! DONUT AH."

"OO NGA! IKAW KASI EH."

Ang galing nang bestfriends ko ah. Ang galing galing talaga. "Palit lang ako nang damit." Sabi ko.

Umakyat ako sa taas at nagsuot ng pantalon. Syempre, plain white tshirt. Bumaba na rin ako at nakita ko silang may hawak na listahan.

"Ito yung mga bibilhin natin!" Masayang sabi ni Ann. Binigay niya saakin yung listahan.

Things to Buy:

Shades

Black Dress

Nail Polish

Shorts

Donut

V-Cut

Pringles

Ice cream

Gardenia Pocket Sandwich

"Ang dami naman." Reklamo ko. Nagpamewang naman silang dalawa kaya, "Oo na! Oo na!"

_________________

Taehyung

"Please stop calling me Babe." Naasar kong sabi kay Jennie. Jennie smiled. Ano ba naman kasi yan eh! Maayos na kami ni Entice, ginugulo lang niya.

Tumingin siya sa salamin at naglagay ng lipstick. "Why? Kaano-ano mo ba siya?" Sassy niyang tanong. Kumulo ang dugo ko.

"Asawa ko siya, Jennie. Tapos tatawagin mo kong Babe sa harapan niya?! Magisip ka nga!"

"Woah, easy ka lang. Just chill." Sabi niya at nilapag ang lipstick niya sa table. Lumapit siya saakin at hinatak ang necktie ko.

Tinaasan niya ako nang kilay. "You're only mine." Mataray niyang sabi at umalis. Napaupo nalang ako at sinabunutan ang sarili ko.

Ang daming problema! Inayos ko ang necktie ko at lumabas narin. Nakita ko sila Hyungs at Jungkook na minamakeupan.

"Taehyung, nasaan si Entice?" Tanong ni Yoongi Hyung. Umupo ako sa tabi niya. Huminga siya ng malalim. "Don't tell me nagtampuhan nanaman kayo?" Sabat ni Jimin Hyung.

Tumango ako. "Pero hindi ako yung may kasalanan. Si Jennie." Sabi ko. Kumunot ang noo ni Jin Hyung.

"Jennie as in J.E.N.N.I.E from BlackPink?" Tanong ni Jin Hyung. Tumango ako.

"Oh man holy shitue!" Sigaw ni Jungkook. Binatukan siya ni Namjoon Hyung. Friends lang kami ni Jennie. Hindi ko alam kung ano yung problema niya.

Napatingin ako sa TV. Nagpeperform sila ng As if it your Last. "Maaayos niyo rin yan, Taehyung." Wika ni Namjoon Hyung.

Pilit nalang akong ngumiti. Lagi nalang kami nagkakaproblema ni Entice. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang kami? Hindi lang naman si Entice ang nasasaktan sa lagay na 'to.

Maski ako, dahil mahal ko siya. "Ayusin niyo na ang sarili niyo. Kayo na next." Paalala ni BangPD Nim saamin. Tumango lang kaming lahat at tumayo para pumuntang backstage. Kinabit ko sa likod ko ang mic at nakinig sa countdown.

Nakasalubong namin ang Blackpink. Lumapit saakin si Jennie. "Goodluck, Tae." Wika niya. Hinalikan niya ang pisngi ko. Sumabay ang pagbukas ng stage at ng ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.

Nagflash lahat nang camera sa loob nang venue. Maski sila Hyungs, nanlaki ang mga mata. Jennie smiled and ran away. Fvck! The media saw Jennie kissing me.

Pinilit kong ayusin ang sarili ko habang kumakanta sa stage. Paano kapag nakita yun ni Entice? Anong sasabihin nang mga ARMYs? Magagalit ba saakin si BangPD nim?

How about Mr. Marco? Lahat yun gumugulo sa utak ko. And it makes me weak.

_______________

Entice

"Busog na busog talaga ako." Masayang sabi ni Miranda habang umiinom ng Chuckie. Si Ann naman nagpophone lang. Naglalakad kami pauwi.

Malapit lang naman eh. Kaya hindi na kami nagkotse. Sayang sa gas. "OMG!" Sigaw ni Ann habang nakatingin sa phone niya. Agad sumilip si Miranda.

"Oh my god! No. Tago mo, Ann." Mabilis na sabi ni Miranda kay Ann. Kumunot ang noo ko. Nilapitan ko sila.

Sinilip ko pero tinatago nila. "Hoy! Pakita niyo nga." Naiirita kong sigaw sakanila. Umiiling lang sila. Ano ba iyon? Ang dadamot naman.

Nilibre ko na nga sila eh. "Bahala nga kayo diyan." Sabi ko at nagmadaling lumakad.

____________

Kinuha ko ang bag ko at bumaba. Pupunta ako sa Baguio. Natrip ko lang. Gusto ko mapag-isa at magenjoy. Kinuha ko ang phone ko at nilagay sa sling bag ko.

Nilock ko ang gate at sumakay sa kotse ko. 8 hours na byahe. "Kaya 'yan, Entice!" Cheer ko sa sarili ko. Nagsimula na akong magdrive. Nagpatugtog ako nang kanta para hindi maboring sa byahe.

Kumakanta-kanta pa nga ako eh. Yung parang, walang problema at masaya. Ang hirap pala magpanggap 'no. Syempre, hindi nawala ang traffic. Sino bang makakapigil dyan sa traffic na yan?

_________________

So, nagstop by muna ako sa Mcdo. Nagugutom kasi ako eh. Hindi ako nakapag-breakfast. "Isa pong Sun
Dae at chicken meal." Walang gana kong sabi. Napatingin lahat ng tao kabilang ako sa babaeng umakyat sa stage.

Bakit may nagpeperform sa Mcdo? "Here's your order, Ma'am." Masayang sabi nang babae. Kinuha ko yung order ko at umupo malayo dun sa stage. Ayoko ng maingay kapag kumakain ako.

"Hello everyone. Ako po si Yvette, and kakantahan ko po kayong lahat." Masiglang sabi nung babae kaya napatingin ako. Nagsihiyawan lahat ng tao. Nasa bar ata ako eh. Bakit pumayag ang Mcdo rito?

( Playing - Tuloy Parin )

Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman nang araw
Dahan-dahan pang gumising
At ngayo'y babawi na

Nakatulala lang ako. Pinapakinggan ko lang yung kanta. Yung bawat salita, himig at beat ng kanta.

Muntik na
Nasanay ako sa'king pagiisa
Kaya nang iniwan ang
Bakas ng kahapon ko

Bakit parang? Parang saakin yung kanta? Para saakin siya. Dapat na ba akong magmove on? Kalimutan ang lahat? Iwan si Taehyung?

Tuloy parin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagkag tuloy parin

Tumayo ako at madaling umalis ng shop. Nairita lang ako sa kanta. Parang sinasabi yun saakin. Bakit ganun? Mahal naman ako ni Taehyung diba? Mahal niya naman ako right?

Bakit ganun? Tumulo ang mga luha ko. Wala akong pakealam sa mga nakatingin saakin. Nakakainis kasi eh. Feeling ko lagi nalang ako yung mali. Laging may pumipigil saamin ni Taehyung. Lagi kaming pinaghihiwalay.

Kami ba talaga? Kami ba talaga ang magkakatuluyan? Kami ba talaga ang nakatadhana sa isa't isa?

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now