Chapter 55

711 26 0
                                    

Entice's POV

Hindi ko alam kung anong trip ni Jennie pero naiinis ako. Hindi niya ba titigilan si Taehyung? Jusko naman, may pamilya na kami.

Tumayo ako para magluto ng breakfast. Wala nga lang si Taehyung, umalis siguro ng maaga. Baka may practice or meeting sila. Pagkababa ko, nakita ko si Taehyung at Leo na kumakain ng sabay habang nagtatawanan.

Umorder ata sa Mcdo. Nakita naman ako ni Leo. "Mommy~ Come here po." tawag ni Leo at hinatak ako papunta sa tabi ni Taehyung kaya wala akong nagawa.

Napatingin naman saakin si Taehyung pero hindi ko man lang siya tiningnan kahit isang segundo, "Mommy, aalis po kami ni Daddy. Sama ka po, jebal!"

Nagsimula na akong kumain dahil nagugutom narin naman ako, "Baka May appointment si Daddy." sagot ko.

"Aabsent ako, diba Baby?" sabi ni Taehyung. Tumango lang si Leo. Hindi nalang muna ako kumibo.

Maglilinis pa ako ng bahay at isa pa, dapat magkaroon naman sila ng time na silang dalawang magama lang muna diba? "Kayo nalang muna. May gagawin pa si Mommy eh." wika ko.

Nagpout naman si Leo, "Sige po, Mommy."

***********

Jasmine's POV

"Ano? Friend? Seriously!?" sigaw ni Miranda. Napayuko nalang ako. Worst day of my life! Akala ko gusto niya ako!

Umasa ako. Yun pala, yung i like you pala sakanya as a friend lang. He's my first love. Ang sakit.

"Ngina. Gigil ako, pigilan niyo ko!" sigaw naman ni Ann habang umaakteng parang uod sa pintuan.

Weird. "Tumahimik ka ngang dora ka. Hanapin mo si Diego at Boots baka nagliligawan na!"

Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha ko. Bakit kasi ganun? Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Bakit sila nagbibigay ng signs kung wala naman talaga 'yon?

Mga paasa sila! "Nasaan ba si Entic—" pinutol nila ang sinabi ko.

"I'm here."

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan. "Wow. Ang ganda ng entrance mo sa storya ah." wika ni Ann. Loka loka talaga.

Umupo si Entice sa tabi ko at ngumiti ng malapad. Inabutan niya ako ng chocolate. "I know that your comfort food is chocolate. Enjoy, Bes." sabi ni Entice.

Niyakap ko naman siya. Entice is really sweet. "Thanks."

"Walang forever. Gala nalang tayo." sabi ni Miranda.

"GAAAMMMEEE!!!!"

************

Taehyung's POV

Karga-karga ko si Leo habang nasa Park kaming dalawa. Wala naman masyadong tao at nakamask ako kaya safe kami rito. "Daddy, paano niyo po ba ako ginawa ni Mommy?"

Muntik na akong madapa sa sinabi ni Leo. Saan niya naman nakuha 'yung tanong na 'yon.

"Baby, gusto mo ba ng kapatid? A brother or sister?"

Leo chuckled loudly, "Opo! I want!"

Napatawa nalang ako sa kakulitan niya. Binaba ko siya at lumuhod para magkapantay kaming dalawa. Hinawi ko ang buhok niya.

"Baby, if you want something like that, you should pray everynight, okay? God will grant your wish soon."

Or should i say, WE will grant your wish baby.

Sa hindi kalayuan, napatingin si Leo. Nakita namin si Jennie na nakashades at parang model pa kung maglakad. Binuhat ko naman si Leo at tumalikod. Fvck.

Kapag nagsama ang dalawang idol, especially kapag opposite sex, lagi nagkakaissue. Pwera nalang kung alam nilang magkaibigan. "Daddy, that's Mommy Jennie po." wika ni Leo.

Mommy? What? "Baby, she's not your Mommy. Call her Tita Jennie, okay?"

Tumango lang si Leo. Ayokong makipagusap kay Jennie ngayon kaya naglakad ako palayo sakanya.

"OPPA!"

Fck. Naramdaman ko ang paghawak niya kay Leo at saakin. Seriously? Kung hindi lang 'to babae, kanina ko pa siya nasaktan.

Tumalikod ako para harapin siya. Abot langit ang ngiti niya at medyo dark ang makeup niya. "Oppa~ I miss you." sabi niya at nagcling saakin.

Kapag may nakakita samin, patay ako kay BangPd. Humiwalay narin siya saakin at binuhat si Leo. Yeah, kinuha niya saakin si Leo.

"Wala akong kasama ngayon. Sama sama nalang tayo." nakangiti niyang sabi.

"No."

Sabay naman napatingin saakin si Jennie at Leo. Seryoso ang tingin ko kay Jennie. "W-Wae, Oppa?"

"No. Leo, lika na."

Kinuha ko si Leo kay Jennie at naglakad palayo. What a scene.

************

Entice's POV

Nagshoshower ako ngayon at narinig ko ang engine ng sasakyan ni Taehyung. Girl's night ngayon. Agad akong binalot ng tuwalya ang katawan ko at ang basa basa ko pang buhok.

Kumuha ako ng isang red dress na medyo labas ang likod ko. Biglang bumukas ang pinto at nakita ako ni Taehyung na nagsusuot ng heels.

"Bakit ganyan suot mo?" tanong niya. Binuksan ko ang blower at tinapat sa mahaba kong buhok.

Nakasandal lang sa pinto si Taehyung na parang Tatay na ayaw paalisin ang anak niya, "Girl's night. Kasama ko sila Jasmine." sagot ko at tumayo.

"You are not going with that dress, Mrs. Kim." wika niya.

Tinarayan ko lang siya. "Kapag nakikipagkita ka ba kay Jennie hindi ako pumapayag?"

"What!? Hindi ako nakikipagkita kay Jennie, Babe." sigaw niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Pagod na ko. Ayoko na munang makipagsigawan sakanya.

"GABRIELLA."

Agad akong napahinto. Okay, he's serious. Dahan dahan akong humarap sakanya. "W-What?" nauutal kong tanong.

I'm scared. Dahan dahan siyang naglakad palapit saakin kaya wala akong nagawa kundi yumuko. Wala pang isang segundo, nasa bisig na ako ni Taehyung.

"Mahal kita." wika niya, "Kayo lang dalawa ni Leo ang mahal ko kaya wag kang magiisip ng ganyan, okay? I love you so much."

Automatic na nagpula ang pisngi ko at tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi saakin ni Taehyung. Bakit ganun? Kinikilig parin ako sa ginagawa ni Taehyung.

Ang lakas lakas parin ng impact saakin. "I love you too, Tae. Ayoko pang makuha ka saakin ni Jennie. I'm sorry." i said.

Taehyung kissed my forehead making me close my eyes. "Sige na. Baka malate ka pa, hatid na kita." nakangiting sabi ni Taehyung. Tumawa lang ako at tumango.

I really love this guy. Masasabi ko man na hindi perpekto ang naging relasyon namin ni Taehyung. Na naging sobrang complicated ng buhay namin, but we still love each other until now. Kahit sobrang dami naming pagsubok, hindi kami napapagod.

I love him, so much.

*********

UDEH 😂😘

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now