Chapter 33

942 34 1
                                    

Entice's POV

Pagkalabas ng Doctor, agad na hinawakan ni Taehyung ang kamay ko. "I'm sorry." Sabi niya.

Ngumiti ako. "Sorry rin, Love."

Niyakap ko siya at hinalikan sa jawline. Ayoko ng nagaaway kami ni Taehyung. Saka, makakasama pa sa bata yun.

Hinawi ni V ang buhok ko. And i'm smiling like an idiot here. "Entice, i love you. Hindi ko alam gagawin ko kung mawawala ka ulit saakin." Wika ni Taehyung.

I just chuckled. "Ang corny mo!" Sigaw ko sakanya. Binabantayan ako ni Taehyung ngayon kasi busy si Ann at Jasmine. Si Taeyeon Unnie naman muna mag babantay kela Leo.

Ang hirap talaga ng nasa Hospital. Lalo na kapag may dalaw ka, nako. Jusko, white pa naman yung bedsheet dito. Nakakahiya kaya sa mga nurse lalo na kung Guy.

"Pahinga ka na muna, Love." Wika ni Taehyung.

______________

2 weeks after....

Nakalabas narin ako sa Hospital. Nandito na ako sa bahay at katabi ko ngayon si V sa pagtulog. Yakap yakap ko ang unan habang nakatalikod sakanya.

Ngayon ko lang kasi napansin, may pimples na pala ako. Ano bayan! Nahihiya ako kay Taehyung. Ang panget ko na. "Entice~" Tawag saakin ni V sign na humarap ako sakanya at yakapin siya.

"Kkkk.." Wika ko para kunyari humihilik ako at natutulog na. Nagulat nalang ako ng niyakap niya ako mula sa likod. "Ang cold mo." Sabi niya.

Nagpout naman ako kahit hindi niya ako nakikita. Wala na akong choice baka magalit pa sakin si V. Humarap ako sakanya.

"I'm sorry." Sabi ko at niyakap siya. Napangiti naman bigla si Taehyung.

"Bakit kasi ayaw mong humarap saakin?"

"May pimples na ako!"

He chuckled. Hinalikan niya ang ilong ko. "Maganda ka parin sa paningin ko, Love." Sabi ni Taehyung. Kinikilig ako, shet. Sensya na.

Hahaha, di ko na mapigilan. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Entice naman eh, kawawa naman yung tagiliran ko!" Sigaw ni Taehyung. 

"Wag kang maingay. Natutulog na sila Leo!" Sabi ko. Nagact naman siya na zinipper niya yung bibig niya.

Ang cute niya.

***

Ann's POV

Naglilinis ako nang bakuran habang si Jasmine naman, nagdidilig. "Anong plano? Like, wala ba tayong gagawin kay Alex?" Tanong ko.

Alex is trying to hurt us. Gagawin niya talaga ang lahat makuha niya lang si V. "Hay nako. Ewan ko ba." aniya.

Syempre, ayokong may masaktan sa mga kaibigan ko. Ayokong mawarak kami. "Teka lang. Kunin ko lang yung isa ko pang tsinelas." Wika ni Jasmine.

Tumango nalang ako. Puro putik na kasi yung paa niya. Nilapag ko muna yung hawak ko at umupo para makapagpahinga. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

May tao sa labas, nakamask at sweatshirt. Sinilip ko siya at nakatingin siya sa bahay namin. Balak ko sanang lapitan kaso bigla niyang nilabas ang Phone niya.

Napatakip ako ng matu nung nagflash ang Phone niya. Pinicturan niya ang bahay namin! Tumakbo agad siya palayo. Sino yun?

"Uy, Ann! Ok ka lang ba?"

Napalingon ako sa likod ko. Nandito na pala si Jasmine. "Oo naman!" Sagot ko at bumalik sa paglilinis.

Sino kaya yun?

______________

Taehyung's POV

Pumasok ako sa kwarto nila Leo upang bihisan sila ng nakita ko silang kinakalkal ang Phone ko. Hay nako mga bata talaga. Nilapag ko ang pajama nila sa tabi.

Tumingin saakin si Storm, "Tito, ano yung Porn? Bakit may porn sa Safari niyo?"

Walanghiya!

***

Entice's POV

Pumasok ako sa kwarto nila Leo dahil inutusan ko si Taehyung na bihisan ang mga bata pero baka hindi niya kasi gawin. Pagkapasok ko, nakita kong gulat na gulat si Taehyung.

Hawak hawak ni Storm ang Phone at nanonood lang si Leo. Anong meron? "Babies, bakit hindi pa kayo nagbibihis? Baka magkasakit kayo." Concern kong sabi at nilapitan sila.

Tumingin ako kay Taehyung. Nagpeace-sign siya. "Ikaw talaga, Kim Taehyung." Sabi ko at kinurot siya sa tagiliran. Alam ko! Magkakapasa na siya, hehe. "Kasi po eh! Ano po ba yung porn?" Tanong ni Leo.

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano?!" Sigaw ko. Naghihintay lang ng sagot si Leo. Nagkatinginan kami ni Taehyung. Masasapak ko talaga si V, mamaya.

Bakit kasi hindi siya nagdelete nang history! "Uhh, wag niyo nalang alamin. Lika na, let's change na." Sabi ni Taehyung at kinarga silang dalawa papunta sa banyo. Nagtawanan naman silang tatlo.

Hay nako, Kim Taehyung! Salamat ka, love kita.

_____________

Habang nanonood kaming dalawa ni V.... nang balita. Biglang may nagdoorbell kaya tumayo si Taehyung para kuhanin ito. Hindi narin ako sumilip kasi nakatutok ako sa TV.

Nagulat ako ng malakas na nilagay ni V ang isang bulaklak sa table. "Sino si Jake?" Tanong ni Taehyung. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako.

Pumunta ako sa pintuan at nakita ko si Jake. Agad ko siyang niyakap. "Waaah! Namiss na kita!" Sigaw ko. Nung binitawan ko na siya, binigyan niya ako nang chocolates.

"Haha! Ang laki mo na, Entice. Tagal nating hindi nagkita." Wika niya.

Napangiti nalang ako. Classmate ko siya since elementary. "Ehem!"

Napalingon ako sa likod ko, si Taehyung. "Ay, Jake! Eto nga pala si Taehyung, asa-"

"Hi, Jake. Ako nga pala si Taehyung, ASAWA ko si Entice." Sabi ni V at nakipag-handshake kay Jake. Kumunot naman ang noo ko. Ang seloso talaga nito.

Tumawa lang si Jake. "Okay. Haha! Uy, girlfriend ko na si Jaime." Sabi ni Jake. Nanlaki ang mga mata ko. Crush niya kasi yun dati pa. Like, dream cometrue niya yun.

"Wow! Talag-"

"Buti naman! Akin lang kasi si Gabrielle eh." Sabat ni Taehyung at inakbayan ako. Kung ano ano talaga iniisip nito.

Tumawa lang si Jake. "Pasok ka, malamok sa labas." Yaya ko pero umiling lang siya. "Hindi, wag na. Dumaan lang ako."

Napatango nalang ako. "Sana magkita pa ulit tayo. Matutuwa sila Jasmine kapag nakita ka nila." Masaya kong sabi.

Ngumiti lang siya. "Oo nga pala! Kamusta na si Miranda?"

Natahimik lang ako. Naghihintay nang sagot si Jake.

"She's dead."

Nagulat naman si Jake. "Ano? Hays, hindi ko man lang siya nakausap bago siya kunin ni Lord."

"Sige na, alis na ko. Bye, Entice." Sabi niya. Kumaway lang ako sakanya. Hindi ko tuloy makalimutan si Miranda.

I'm sure na buhay pa si Miranda.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderWhere stories live. Discover now