Chapter 19

1.1K 46 6
                                    

Entice's POV

Nasa kotse kami ni Taehyung ngayon. Papunta kami sa Mall. Nagaya siya eh. "Love, bakit ba tayo pupunta ng mall?" Tanong ko. He smiled brightly. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Hindi ako mapapagod na sabihin 'yun.

Totoo naman kasi. "Bibili tayo ng damit ng magiging anak natin." Sabi niya. Nagulat naman ako. Teka nga, masyado siyang excited eh. Hindi pa nga sigurado kung buntis ako at kung lalake ba o babae. Kinurot ko siya.

"Ikaw ha! Wag kang masyadong excited." Wika ko habang nagpipigil ng ngiti. He raised his eyebrows dahilan para tumawa ako. "Dahil malakas ang dugo namin. I'm sure na boy 'yan." Mayabang niyang sabi at hinalikan ako sa ilong.

Hindi magpapatalo ang mga Marco. "Team Girl ako!" Sigaw ko. Parehas kaming natawa. Nakarating na kami sa Mall. Nakamask parin siya. Baka may makakitang fan sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Naiilang nga ako eh. Ang tagal na kasing hindi kami nagkasama.

Pumunta muna kami sa Super Market upang makabili ng makakain namin this month. Ako na magbayad, malakas naman ang kita ng Boutique namin. "Saan mo gusto kumain, Love?" Tanong niya. Napaisip ako.

"Sa Mcdo." Sagot ko habang nakangiti. Agad nawala ang ngiti ko at naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Oh my god, Taehyung Oppa!"

"Who is that girl?!"

"Oppa!"

Agad akong hinatak ni Taehyung. Paano nila nakilala si Taehyung? Tumakbo kami paexit sa Mall kaso hinarangan kami ng Fans. Lumuhod si V. "Sumakay ka na sa likod ko, Entice. Bilis." Utos niya. Agad akong sumakay sa likod niya.

Wala kaming choice. Mahahabol kami ng fans niya. Baka sabunutan ako. Tumakbo siya papuntang parking lot. Hinahabol parin kami ng fans niya. Binaba niya ako ng mabilisan. "Sakay na, Entice." Wika niya at tumakbo papunta sa driver seat.


Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ng kotse. May biglang humatak sa buhok ko na ikinagulat ko.


"SINO KA HA?! ALAM MO BANG ASAWA NAMIN SI TAEHYUNG?!"

"ANG LANDI MO ATE! BADTRIP KA."

"PASALAMAT KA! PINAPASIKAT KA NAMIN. NAKALIVE KAMI OH!"


Bigla akong napaluha. Lumabas agad si Taehyung sa kotse. Tinulak niya lahat ng fans niya kaya nagulat ako. Sinisira niya ang career niya. Agad niya akong binuhat. "Don't even try to touch my wife. Kakalimutan kong fans ko kayo." Cold niyang sabi Gulat lahat ng fans sa parking lot. Maski ako.

Sinakay ako ni Taehyung sa kotse niya. Pinaandar niya itong mabilis. Hindi ko na kaya. Ayokong masira ang image ni Taehyung dahil lang saakin. Napatingin ako sakanya ng hinawakan niya ang kamay ko.

He's crying too. He parked his car sa isang bakanteng parking lot. Agad ko siyang niyakap. "Masisira ko yung career mo, Taehyung." Umiiyak kong sabi. "Shh." Wika niya at hinagod hagod ang likod ko. Sobrang pinaghirapan ni Taehyung abutin ang pangarap niya.

At ayokong masira 'yun. "Mahal kita. Wala akong pakialam sa magiging image ko, Entice." Sagot niya at ngumiti. He pulled my head and he kissed me. I broke the kiss. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Mahal rin kita. Ayoko lang masira yung career mo dahil saakin, Love. Lahat ng pinaghirapan mo mawawala dahil saakin? Ayoko, Love." Sabi ko habang humikbi. Pangarap 'yun ni Taehyung lalo na ng Lola niya. He smiled.

He fix my hair. "I know that ARMYs will understand. They are understanding. Nandyan sila para suportahan kami sa desisyon at mga bagay na ginagawa namin." Sagot ni Taehyung. ARMYs, thank you.

_____________

Taehyung's POV

Binuksan ko ang Social Media ko. Punong puno ito ng article namin ni Entice. May ibang fans na tutol, yung iba naman todo suporta. Tumabi saakin si Entice at inabot ang kape saakin. Napatingin siya sa phone ko at napayuko.

Nilapag ko ang kape sa sidetable. Agad ko siyang niyakap. "Wala kang kasalanan, Entice. Don't be sad." Wika ko. Pilit siyang ngumiti at tumango. Huminga ako ng malalim. Sesermonan nanaman ako ni Bang PdNim. Pero, wala akong pakialam.

Tumayo na ako para maligo. Nagsuot ako ng cap at ng shades. Sa sobrang gwapo ko, napatulala saakin si Entice. I slowly smirked. I held her chin. "Why are you looking at me like that, Love?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin at napalunok.


#GALAWANGKIM101


"I'll go. Where's my kiss?" Tanong ko. She smiled sweetly and gave me a sweet peck. "Galingan mo ah. Sige na, bye!" Paalala niya at kumaway. Ngumiti lang siya, buo na ang araw ko. Kahit anong stress ko sa work, pagumuwi ako, nawawala talaga.

Kapangniyarihan ata 'yun ng pagibig. Hindi ko rin alam. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yun papunta sa BigHit. Kinakabahan ako, paano kung makita nila yung article? Na nakikipagdate ako? Anong gagawin ng ARMYs?

Susuportahan ba nila ako? Papagalitan ba ako ni Manager? Ikikick ba ako sa BTS? Huminga ako nang malalim. Always be positive. Bumaba na ako sa kotse ko. Biglang tilian lahat ng ARMYs. Ngumiti nalang ako. Yung iba pa nga, sinisigaw ang aking pangalan.

Sabay sabay rin ang pagflash ng phones at cameras. Nakapasok narin ako sa loob ng building. Nakita ko si Yoongi Hyung at Jin Hyung na naguusap sa waiting area ng BigHit. Anong ginagawa nila rito?

Agad ko silang nilapitan. Tinanggal ko ang mask ko. "Oy, Taehyung! Buti nandito ka na." Sabi ni Jin Hyung. Nakatingin lang saamin si Suga Hyung. Pinaupo nila ako sa chair. "Kumain ka na? Nasa taas si Alex may dala dalang pagkai--" Nagulat nalang ako ng nilagyan ni Suga Hyung ng tissue yung bunganga ni Jin Hyung.

Wahahaha. Hindi ko naiwasang tumawa. Ang baboy nila. "Masarap ba, Hyung? Imported yan." Tanong ni Suga Hyung habang nakapoker face. Mas lalo akong natawa. Ang savage naman ni Suga Hyung. Well, sanay nanaman kami eh. Cold talaga yan, pero mapagmalasakit.

"Umakyat ka na, Taehyung. May sasabihin sayo si Manager." Wika ni Suga Hyung. Napalunok ako. Tumayo ako at pumasok sa elevator. Biglang tumunog ang phone ko.

From: Entice Kim

Wag kang kakabahan, Love. I love you so much! Akin ka lang.

Napangiti ako. Tangina, kinikilig nanaman ako. Nakakabakla nanaman.

To: Entice Kim

I love you too, Mrs. Kim. Kumain ka ha? Sige na, bye.

Saktong bumukas ang elevator. Pumasok ako sa PR namin. Nabaksak ko ang phone ko. H-How?

"A-Alex?"

_______________

UH OH TAENA! ANG GANDA NA EH! ANG SWEET NA NILA.

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon