Rescue ( Chapter 62 )

635 32 5
                                    

W A R N I N G

************

Entice's POV


Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Hindi ako magmamatigas, sobrang nanghihina na ako. Hindi ko na kinakaya ang mga pahirap na ginagawa sakin ng tatlong babae na 'to. Nasa isang madilim na silid ako.

Wala kang makikita kundi ilaw ng araw o buwan. Isang beses lang nila binuksan ang ilaw at may mga hawak pa itong camera. Wala akong kinakain. Umaasa nalang ako na may darating para kunin ako dito. Dahil ayoko pang sumuko. Mahal na mahal ko ang pamilya ko at si Taehyung.

Lalabanan ko 'to. Nakarinig ako ng kotse sa labas, dahilan tumaas lahat ng balahibo ko. "Tama na." bulong ko habang tahimik na humihikbi. Nanginginig agad ako kapag may naririnig akong engine ng sasakyan dahil alam kong andyan na sila.

Nandyan na sila para pahirapan ulit ako. Narinig ko ang pagbukas ng gate kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko at lumakas ang pagiyak ko. Tinakpan ko ang mukha ko. Alam ko naman na hindi na kinakaya ng katawan ko. At mas lalo pa akong nanghihina kapag nakikita ko ang sarili kong dugo na lumalabas mula sa katawan ko.

Pagkabukas ng pinto, "Tama na! Ayoko na!" sigaw ko habang nanginginig. Yakap yakap ko ang sarili ko at pilit na pinoproteksyahan ang sarili ko.

"E-Entice.."

Natigilan ako sa narinig kong boses. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking may sugat sa bibig at magulo ang buhok. Meron ring itong sugat sa ibang parte ng katawan pero hindi naman ito malalim at malayo pa sa bituka. Katabi niya naman ang isang babae na nakasuot ng mask at may dalang blade.

Agad na lumapit saakin ang babae at tinanggal ang tali sa kamay ko. "Entice? Bakit nila g-ginawa sayo 'to?" umiiyak na sabi ni Ann. Oo, si Ann ang babaeng nakamask.

Naiyak ako lalo. Hindi ako makapagsalita. May narinig akong footsteps kaya mas lalo akong kinabahan. Na baka sila na 'yon pero nagkakamali ako. Nakita ko si Miranda, Jasmine at Baekhyun na nakamask rin. Lumapit agad sila saakin. Inabutan ako ng twalya ni Taehyung at ibinalot ako.

"Nandito na ko, Babe. Sorry." wika ni Taehyung at hinalikan ako sa noo kaya medyo napanatag ako.


Thank you.

************

Baekhyun's POV


Nilagay ko ang mga mask, blades, kutsilyo, gun at armas sa lamesa. Nakaupo silang lahat sa harapan ko. "Eto ang gagamitin natin." sabi ko. Napalunok naman si Miranda.


"Papatay ba t-tayo? Liligtas lang n-naman natin y-yung kaibigan ko d-diba?" medyo natatakot na sabi ni Miranda.

"Alam kong natatakot ka pero tandaan mo nalang na ginagawa natin 'to para kay Entice." sagot ko. Napayuko naman si Miranda at nanatiling tahimik.

Kinuha ko ang isang mahabang illustration board, "Eto ang magiging plano natin."

***********

Jasmine's POV

Kasama ko si Miranda. Nakasuot kami ng fitted blah blah. Tapos black, para kaming spy. May dala akong gun. Aaminin ko, natatakot rin ako pero gagawin ko to para kay Entice. Mahal na mahal ko yung babaeng 'yon kahit bruha siya.

"Kapag ako namatay, kawawa kayong laha-"

Pinutol ko naman ang sasabihin ni Miranda. Akala mo naman nanay namin siya. "Shut up. Gusto mo bang mahuli tayo dito?" bulong ko sakanya.

Umiling lang siya. Sumampa kami sa isang mataas na gate para makapasok sa loob. Wala pa si Taehyung at Baekhyun dahil may dala silang sasakyan. Ang mission naming dalawa ni Miranda ay siguraduhin na walang sagabal na guard para tuluyang makapasok si Tae at Baek.

"Miranda, akin na yung bala. May nakikita akong tatlo dun sa bandang kaliwa." bulong ko.

Agad niyang nilabas ang bala at ang katana niya. "Game. Ako sa kanan, ikaw sa kaliwa." wika niya. Tumango lang ako at sinimulan ang pagputok. Pinaputukan ko muna ang dingding saka ako tumakbo para mabaril sila. Nakailag ang isa kaya nasipa niya ako sa tiyan.

"Akala mo mababaril moko!?" sigaw nito at sasaksakin niya na sana ako pero gumulong ako sa sahig at ipinalo sa ulo niya ang hawak hawak kong baril.

Tumayo ako at sinuntok ang isa. "Tulog kayong lahat? Mga antukin!" sigaw ko.



*********

Miranda's POV


Game. Kaya ko 'to. Hindi ako mamamatay. Bakit ba kasi nila kinidnap si Entice? Mabuting nilalang yung kaibigan ko. Mas gusto ko pa ngang patayin yung tatlong babaeng 'yon.


Hindi ako nagdalawang isip na sumugod. Inatake ko agad ang nakatalikod na lalake. Sinubukan niya akong labanan, pero nasipa ko siya sa espada niya kaya natumba siya. Ginamit ko naman ang katana ko at sinugatan ang dibdib ng isa kaya napasigaw ito.

Kinuha ko ang heels ko at binato yung isa, "Waaah! Ayoko na!" sigaw ko at sinapak ko ito sa mukha sabay tusok ng katana.

Humihingal akong tumakbo papunta kay Jasmine habang hawak hawak ko ang heels ko.


*************

Ann's POV

Nasa tapat ako ng gate. Sumampa ako dito at tumalon nang mataas dahilan mahawakan ko ang bakod ng balcony. Mission kong patayin lahat ng nasa loob ng Building. Para makapasok kami sa kwarto ni Entice. Kinuha ko ang blade ko at sinira ang salamin na sliding door. Malaki ang lugar na 'to.

Sumilip ako sa baba at may nakita akong limang lalaking umiinom ng alak. Tawa sila ng tawa at may mga babae pang nakakandong sakanila.

Tumayo ako, "TAPOS NA ANG KASIYAHAN NINYO!" sigaw ko at nagbato ng blade kaya natamaan ang dalawang lalaki.

Agad silang naglabas ng armas. Tumalon ako upang makaiwas narin sa bala na binabato ng tatlo. Kumaripas ako ng takbo sa likod ng isa saka ito tinusukan ng blade. Sinipa ko naman ang isa sa tagiliran sabay tusok sa leeg nito.

Hinawakan ako sa bewang ng isa at tinusok ako ng kustilyo, "W-Walanghiya ka!" sigaw ko at binato sakanya ang apat na blade. Sabay kaming natumba.

Tinanggal ko sa bewang ko ang kustilyo at agad na kumuha ng panyo para matakpan ang sugat ko. Tinawagan ko si Baekhyun.

"B-Baekhyun!"

[Okay na ba ang lahat? Nasa tapat na kami ng gate.]

"Nakalock ang g-gate. Sirain n-niyo nalang." nanghihina kong sagot.


"Sige. Okay ka lang ba diyan? Puntahan niyo na si Entice."

[Oo.]

Binaba ko ang telepono at umakyat sa taas.

**************

ETO NA ANG UD

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X ReaderDär berättelser lever. Upptäck nu