Wattpad Originale
Il reste 38 Chapitres gratuits

✥ 01

115K 1.4K 109
                                    

Chapter 1

Lissie

Maingay na tunog ng orasan ang gumising sa aking diwa. Nakapikit na inabot ko ito at pinatay. Pilit kong iminumulat ang aking mga mata sa bigat na hatid ng pagod mula sa nakalipas na gabi. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Nakatulog naman na ako pero pakiramdam ko ay kulang pa rin.

There are days the tiredness comes in both forms, physical and mental. My body needs to rest yet my mind needs it to move, to burn the exhaustion right out.

Meron sa loob ko na gusto na lang humiga maghapon at huwag nang pumasok sa trabaho. Pero mayroon din namang parte ng utak ko na nagsasabing kailangan ko na bumangon at kumilos.

Hindi ako mayaman at kailangan ko sumahod.

With half-opened eyes, I looked at the clock and saw that I still have two long hours to get ready. I lazily rose up on the bed and crossed my legs as I uttered a morning prayer.

“Salamat po sa hindi masyadong masigla na umaga.”

Matapos umusal ng panalangin ay bagsak ang balikat akong tumayo at pilit inuunat ang mga kamay ko pataas. I yawned. This is really the hardest part of the day—to wake up early after a long tiring night from work. Para bang nakalutang pa ang katawan ko sa pagod sa nakalipas na gabi.

Sa araw-araw na lumilipas ay palaging ganito ang pinagdadaanan ko. Pahirapan sa pagbangon. But I can’t complain, I shouldn’t complain, and I will never complain. Ito lang ang pinagkukunan ko para sa araw-araw. Kapag hindi ko ‘to inayos, sa kangkungan kami pupulutin ni nanay.

“Lissie, gising ka na pala! Akala ko tulog ka pa, gigisingin na sana kita at baka mahuli ka sa trabaho mo.” My mother, Elena, said when she suddenly came inside my room.

Bukod sa alarm clock ko, isa rin siya sa mga gumigising sa akin. Kapag hindi effective ang cellphone ko, sigurado, sa bibig niya, gising ako. Hindi naman siya bungangera, sadyang malakas lang talaga ang boses niya. Iyong tipong parang nakalunok ng megaphone.

“Sige, ‘Nay. Mag-aayos na din po ako. Labas na lang po ako pagkatapos.” Balik sagot ko sa kanya.

“Siya sige, madali ka at masamang pinaghihintay ang pagkain.” 

Lumabas na siya ng kwarto. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para simulan na ang pag-aayos sa aking sarili.

Matapos mag-exercise ng kaunti ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Sanhi ng malamig na tubig ay tuluyan na akong nagising. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa malamig na tubig na yumakap sa buo kong katawan.

I groaned. One of the hardest parts of my morning.

Kalahating oras ang iginugol ko sa pag-aayos sa buong sarili. I looked at my reflection through the mirorr and studied every part of my face. Hindi ko mapigilang mapa-ungol dahil sa iritasyon na nararamdaman dahil sa aking itsura.

I brought my hand towards my cheek and softly caressed it using my thumb. The make-up on my face felt so heavy even if I just put a thin layer.

Ang totoo ay hindi naman talaga ako mahilig sa kolerete. Pulbo at lip balm lang,  ayos na. Kaya lang ay hindi puwede sa trabaho ko. Mapapagalitan ang sino mang pumasok ng walang kolorete sa mukha. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip.

Kailan kaya ako titigil sa pag-memake-up?

My face looked so dry. Literally. If only I could find another job without needing these tons of makeups—agad ko silang pupuntahan nang wala ng pagdadalawang isip.

I exhaled.

Nevertheless, natutunan ko na rin naman mahalin ang trabaho na ito.

Napailing na lang ako dahil sa biglaang pagdadrama sa buhay. Minsan, hindi ko talaga maiwasan ang bigla na lang maging ganoon. Bilang isang saleslady, hindi ko masasabing hindi ako hirap sa trabaho na ‘yon. Oo nga at walang ginagawa kung hindi ang maghapong nakatayo. Pero ang totoo ay mas nakakapagod pa nga dahil ramdam mo ang pagdaan ng oras.

Akala ng iba ay ang gaan-gaan ng trabaho ng isang tindera sa mall, hindi nila alam ay halos manakit ang mga binti namin dahil sa tagal ng pagkakatayo. Pero sa bagay, wala naman kasing trabahong madali. Lahat talaga ay paghihirapan.

I’ve been working in Megaworld for almost two years. As time passes by, natutunan ko ng mahalin ang trabaho ko. Malaking tulong din ‘yon sa gastusin namin sa araw araw ni nanay kaya naman pinagbubutihan ko talaga.

I didn’t have the chance to finish college and this is the only job with high salary and perfect benefits that suits me. Mabuti nga at nakapasa ako. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral, grumaduate naman ako ng high school bilang valedictorian sa klase namin. Ayos na rin ‘yon! Masaya pa rin ako sa mga naabot ko sa buhay.

I am not dreaming of a luxurious life, anyway. Yung simple lang, basta nakakakain kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw, that’s more than enough. I’m not even a materialistic kind of woman. It’s easy to impress me. I don’t need a fancy lifestyle to be happy. Basta may mabuting kaibigan, masarap na pagkain, masayang tawanan, ayos na ako. Kuntento na ako.

Hindi mo naman kailangan ng materyal na bagay para lang maging masaya at kuntento. It doesn’t matter how much money, or property, or whatever you’ve got, unless you’re happy in your heart, then that’s it. And unfortunately, you can never achieve perfect happiness unless you’ve got that state of consciousness that enables that.

Nagmadali na akong mag-ayos dahil siguradong magagalit na naman si nanay kapag nagtagal pa ako. Ayaw na ayaw niya na pinaghihintay ang pagkain.

“Ang tagal mo namang bata ka!” sita sa akin ni nanay pagkarating sa hapag kainan.

Ngumuso ako. “Sorry, po. Alam n’yo naman sa trabaho ko, kailangan halos mag mukha kang clown sa kapal ng make-up.”

“Hayaan mo na, lalo ka naman gumaganda. Manang-mana ka talaga sa akin!” nakangiting aniya.

Sa tuwing pinupuri niya ako, sasabihin niya na kamukha ko siya. Totoo naman, halos sa kanya ko nakuha lahat ng pisikal na katangian ko.

“Syempre naman, ‘Nay. Kanino pa ba ako magmamana?”

“Aba’y, oo nga! Siya sige, kumain na tayo at baka mauwi pa ito sa maghapong bolahan.” Sagot niya bago ako nilagyan ng pagkain sa plato.

As soon as we started eating our food, napansin ko kung gaano kadalas niya ako sulyapan. Pero sa tuwing mahuhuli ko siyang nakatingin ay agad niyang iiiwas ito.

“Asus! Halata ka nodded, Nanay.” Kantiyaw ko. “May problema po ba?”

Bumuntong hininga ito bago marahang ibinaba ang mga kubyertos. “Pasensya ka na, Lissie. Baka meron kang naitatabing p-pera diyan? Naubos na kasi iyong groceries natin kaya naman kailangan ko ng mamili. Pero kung wala naman ay ayos lang.”

Agad akong huminto sa pagkain.
“Tingnan ko muna sa wallet ko nay, ha?”

Promise In The WindOù les histoires vivent. Découvrez maintenant