Wattpad Original
There are 18 more free parts

✥ 21

25K 450 38
                                    

Chapter 21

LISSIE

Pagkahintong-pagkahinto ng taxing sinasakyan ko sa tapat ng bahay ay nagmadali na akong nagbayad at bumaba. Sapu-sapo ko ang aking mukha dahil sa walang tigil na pag-iyak. Ang paningin ko ay nanlalabo na dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko.

I never thought that this day would cause me so much pain. It hurts like hell. Seeing him with another woman honestly breaks my heart.

Dati, kapag napapabalita siya sa TV na may kasamang babae ay ayos lang sa akin, kinakaya ko pa. Pero ang makita siyang may kasamang iba ng harap-harapan ay sobrang sakit na.

Now I know why some people are afraid to fall in love, masakit pala talaga kapag nasaktan ka.

Ito ang unang beses na nasaktan ako ni Zach sa loob ng halos isang taon na relasyon namin. Dati naman ay puro tampuhan lang. Hindi nagkaroong ng issue pagdating sa babae. Pero kakaiba ngayon.

Pagkapasok ko ng bahay ay hindi na ako nag-abala pang isara ang pinto. Pabagsak akong umupo sa sofa at isinandal ang ulo ko sa headrest.

I slowly closed my eyes. I feel drained and exhausted at the same time. Ang sakit na nararamdaman ko ay binabalot ang buong pagkatao ko at tila inuubos ang lakas na meron ako.

Bakit kailangan niya gawin ‘yon? Dahil lang ba sinabi ko na hindi ako makakapunta sa party niya, magsasama na siya ng iba? I just don’t get it. Kasi kung nagkapalit man kami ng sitwasyon, ako ang may birthday at siya ang hindi makakapunta, I’d try my best to understand him. Kahit nakakapagtampo, maiintindihan ko.

Akala ko nagbago na siya, akala ko nabago ko na siya. Puro akala lang pala. Pakiramdam ko nasayang lahat ng effort ko. Nagpaayos pa ako sa salon, na-excite pa ako sa magiging reaksyon niya sa itsura ko, yun pala ay isang pitik lang at mabubura ng presensya nila ang lahat ng pinaghandaan ko.

Pakiramdam ko din ay wala akong karapatan magreklamo, dahil ginusto ko ‘to. Simula pa lang inihanda ko na ang sarili kong sumugal sa larong alam ko na posibleng matalo ako.

I knew you were going to break my heart, Zach. But a part of me really hope you wouldn’t. At least, not this soon.

My mind was floating in the sea when I sensed that somebody’s looking at me. I slowly opened my eyes – only to see him standing beside the door while hands on his pockets. Sadness spreads acrossed all over his face. Kung sa anong dahilan, hindi ko alam.

He doesn’t have any right to feel that way.

Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya. Mabilis akong tumayo para pumunta sana sa kwarto ko pero mas naging mabilis siya sa paghila sa bewang ko at niyakap ako mula sa likod.

“I’m sorry,” he whispered against my nape. I felt the warmth of his breath. His breathing was slow and short. I remained silent. Iniisip kung paano ko ba siya haharapin at kakausapin ngayon. Bakit pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya? “Talk to me, please.”

Little by little, I loosened his grip around my waist. Noong una ay ayaw niya pa ako bitawan, pero ng maramdamang mapilit ako ay bumitaw na rin siya.

I turned around and looked at him with a stoic expression in my face. My mind starts going haywire. His eyes were bloodshot, and tears were beginning to blur his vision.

“Bakit… bakit ka nandito?” I asked.

Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at malakas na napabuntong hininga. “I didn’t mean to… I didn’t mean to do that.”

My forehead suddenly crumpled, hindi makapaniwala sa rasong ibinibigay niya sa ’kin.

“Hindi mo sinasadya?” tanong ko. “Seryoso ka ba?” I laughed sarcastically. Gusto ko magalit sa kanya but we cannot fix this if I’d let my anger control me. “Zach, hindi e, umpisa pa lang sinadya mo na. Nung oras pa lang na naisipan mo dalhin iyong babaeng kasama mo kanina, noon pa lang sinadya mo na. Hindi ko maintindihan, e. Bakit mo nagawa ‘yon? Ito na naman ba tayo?”

Promise In The WindWhere stories live. Discover now