Wattpad Original
Mayroong 30 pang mga libreng parte

✥ 09

30.1K 547 36
                                    

Chapter 9

Lissie

“What the hell are you doing here, Savanna?” Zach’s voice was filled with anger as confusion hit me.

Savanna? Siya ang nobya ni Zach?

“So… she’s the reason why you’re so eager to leave me, hmm?” she asked seductively and walk towards our direction.

Nang makalapit siya ay ikinawit niya ang kanyang braso sa leeg ni Zach at mariin itong hinalikan sa labi. I lowered my gaze as I felt a sudden pang in my heart.

You are not allowed to feel that pain, Lis. Hindi puwede. Wala kang karapatan.

Bahagya kong nakita ang pagtulak sa kanya ni Zach.

“I’m asking you, Savanna. What are you doing here?” bawat salita ay binigyan diin niya. This is the first time that I heard him speak like that. It actually sent shivers down my spine.

Savanna grinned sarcastically, showing her perfect white teeth. She’s really pretty -- fair complexion, hourglass type of body, at sopistikada maging sa pananamit. Iyon nga lang ay natatakpan ng makapal na kolorete ang mukha niya.

Hindi na ako magtataka kung nagustuhan siya ni Zach. Alam ko na ganitong uri ng babae ang gusto niya. Iyong nababagay sa estado niya. Nakaramdam ako ng pang-liliit sa sarili ko.

“Well, curiosity brought me here. Gusto ko malaman kung sino ang bagong babae na kinalolokohan mo to the point na nagawa mo akong iwan,” anito at dahan-dahan akong inikutan habang magkakrus ang kanyang mga braso.

Patuloy pa din akong nakayuko. Ayoko ng gulo.

“I thought she’s classier and more elegant than me, Zach. But I was wrong. Completely wrong.” She continued. “Look at her! Ito na ba ang tipo ng mga babaeng gusto mo? Iyong mga low class?!”

“You have no idea of what you are talking about, Savanna. You’re not in your territory. Stop being a brat before I drag you out of this house.” Madilim ang boses na banta ni Zach ngunit inignora lamang siya nito.

Agad akong tumunghay para harapin si Savanna. Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mga labi nito.

“Uh, look at her. She looks like she’s going to cry. I want to pity you; do you know that?” She said while roaming her gaze around our house. “You are making your poverty an excuse so you can catch Zach’s attention. Right?”

I felt my blood climbing up to my brain as it boils, making it ignite. Paano niya ako nagawang pagbintangan ng kasinungalingan ganoong hindi niya naman ako kilala?

I was about to answer her when I felt Liam move beside me.

“Miss Vergarra, I hope you won’t mind, but you don’t have any rights to insult Lissie that way. Can’t you see? She’s mourning for the loss of her mother. So please, have some respect.” Kalmado ngunit may bahid na galit na sabi ni Liam.

“Oh, Liam Griffin. The popular CEO of Griffin Empire. I’m surprised that you’re also here! At parehas pa talaga kayo ni Zachary na narito, ha?” She smirked evilly. “Lissie, right? So, what are you now? A damsel in distress? How lucky are you that the two most elligible bachelors are here, babysitting you, huh? What an opportunist! How dare you use your deceased mother just to get their attention? Gold digger, bitch!”

Nagpanting agad ang tainga ko nang idamay niya si nanay. Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang layo namin sa isa’t isa.

“Hindi na sana kita papatulan, e. Kasi magmumukang totoo lang ang mga binibintang mo. Pero yung idamay mo ang nanay ko? Ang kapal ng mukha mo! Kasing kapal ng make up mo! Unang una, sila ang kusang loob na pumunta dito, hindi ko sila pinilit. Pangalawa, wala kaming relasyon ng kahit sino sa dalawang ‘yan. Kaya kung sinasabi mong iniwan ka ni Zach ng dahil sa akin, e baka dahil mas maganda ako sa’yo?” pangaasar ko bago ngumisi at nagpatuloy.

Promise In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon