Wattpad Original
There are 10 more free parts

✥ 29

21.9K 390 28
                                    

LISSIE

"Get in," madilim na utos ni Zach nang makalapit na ako sa kanya. Ang mga titig niya sa'kin ay malayo sa nakasanayan ko. There's no warmth. No happiness. No love.

Only anger and disappointment..

"Zach—"

"I said get in. Don't you fucking hear me?"

Halos mapalundag ako dahil sa pagsigaw niya. Madali akong sumakay sa passenger's seat dahil doon. Hindi nagtagal ay marahas niyang binuksan ang pinto ng driver's seat at padabog na isinalampak ang sarili paupo. Nakatungo lang siya habang madiin ang pagkakakapit sa manibela.

"Z-Zach, may p-problema ba?" I asked nervously.

He's been in that position for minutes. He heaved a deep sigh before he darkly stared at me like a predator ready to attack his prey.

"You tell me, Lissie. Do we have a problem?" he asked in a dangerous tone.

Hindi agad ako sumagot. Wala akong maisip na dahilan bukod sa nangyari sa loob ng party. Hindi kaya, alam niya? Pero imposible. Naandoon naman lahat ng nakasaksi sa nangyari at wala pang nakakalabas ni isa sa mga kaibigan ko.

Is it Kate? No. I know she won't tell it to Zach. She promised me. At siya rin naman ang nakaisip noon. Imposible din naman na sila Rix dahil hindi pa sila nakakalabas ng party.

But... could it really be the reason or there's something else?

If yes, then I'm doomed.

Nang hindi ako makasagot ay nakita ko siyang ngumisi sa'kin. Ngising kinasasabikan ko sa tuwing makikita ko. Pero kinatatakutan ko sa mga oras na ito.

He swifly maneuvered the car as he drove faster like a speed racer. Kung hindi ako nakapag seat belt agad ay maaaring sumubsob ang mukha ko sa salamin sa harap ng kotse. I'm afraid. Ngayon ko pa lang makikita ang ganitong ugali ni Zach.

"Tangina!" he cussed.

Pasimple akong tumingin sa kanya sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko ang poot sa mga mata niya. Nanggigigil, nanginginig. Ang mga ugat niya sa braso ay namamaga sa galit na nararamdaman.

Why do I have this feeling that he knew what happened in that party? And how? How did he know?

Hindi ko mapigilan paulit-ulitin ang tanong na yan sa isip ko. Ang mga daliri ko sa paa ay halos lumiko na sa sobrang pagpipigil ko dahil sa biglaang pag preno ni Zach.

"Fucking assholes!" he cursed under his breath while looking to a bunch of people na bigla na lang tumawid.

He's scary when he's mad. Hindi ko magawang magtanong. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita. Natatakot ako na baka isang salita pa lang ang sabihin ko ay barahin niya na ako.

Pinili kong manahimik na lang kesa ang kausapin siya habang nasa kalsada kami. Mas mabuti kung doon kami sa bahay maguusap. Mas safe.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay niya. He violently took off his seat belt as he stormed out of the car without uttering a word. Ni hindi niya ako nagawang tingnan.

Pagkalabas ng kotse ay nagdire-diretso siya papasok sa loob ng bahay. He didn't even bother to open the door for me like he used to do.

Something's really off. I know.

I heaved a deep sigh. Mabilis akong bumaba ng kotse at nagdiretso sa loob ng bahay.

Pinakiramdaman ko ang atmosphere sa loob. Natatakot akong malaman na iyon nga ang dahilan ng pagkakaganon niya. And this time, ako ang mali. Kahit pa sabihin na katuwaan lang 'yon, hindi maganda sa paningin niya. O kahit na sa ibang tao.

Promise In The WindWhere stories live. Discover now