Wattpad Original
There are 26 more free parts

✥ 13

28.6K 563 31
                                    

Chapter 13

LISSIE

“Liam, ayoko talaga lumabas ngayon. Wala ako sa mood.” Nakabusangot na sabi ko.

“Ano ba kasing problema at parang kwaresma yang mukha mo, Lissie Arabella?” inis na tanong niya bago umupo sa harap ng sofa na kinahihigaan ko dito sa sala.

“Wala. Tinatamad lang talaga ako. Pasensya ka na,” nakapikit ang mga matang sagot ko.

“Stop shitting me. Hindi pa kita ganoon katagal nakikilala pero basa ko na ang ugali mo. Is it Monterro?” My eyes suddenly opened when I heard his surname. “Gotcha!”

I sighed heavily. Umupo ako mula sa pagkakahiga at malungkot na tumingin kay Liam.

“Liam, magkaibigan naman na tayo, ‘di ba?” mahinang tanong ko.

I saw him hesitate for a moment before taking a deep breath.

“O-Of course. We’re f-friends.”

Ganoon ba kahirap ang tanong ko at parang nag alangan pa siyang sagutin ako? Aren’t we friends yet?

“So… what’s bothering you? Or should I say, who’s bothering you?”

Nag-Indian sit ako at magkakrus ang mga braso na sumandal sa sofa. Naramdaman ko ang paglundo nito, tanda na tumabi siya sa akin.

“Come on, Lissie. Tell me, is it Monterro?” tanong ulit niya. I nodded. Bumuntong hininga siya. “Do you… do you like him?”

“Oo,” tumingin ako sa kanya pagkasagot ko. Nakatitig lang siya sa akin na parang hindi makapaniwala na iyon ang sinagot ko sa kanya. “Bakit?”

“Why him, Liss? I told you, he doesn’t do relationships. Baka paglaruan ka lang niya.”

Pilit akong ngumiti at nilabanan ang luha na nagbabadyang umalpas mula sa mga mata ko.

“Hindi ko din alam kung anong nangyari at nagkaganito bigla, Liam. Alam kong mali, magkaibang mundo ang ginagalawan namin pero pakiramdam ko ay tama lahat kapag kasama ko siya. Sana nga hindi na lang siya. Sana pupwede turuan ang puso.”

Agad lumapit sa akin si Liam at mahigpit akong niyakap. “Ssh… Don’t you dare cry. He’s not worth your tears, Liss. Hindi ba masyado pang maaga para sabihin mo ‘yan?”

“Kailan ko ba ‘to dapat maramdaman? Naisip ko na rin iyan pero dito pa rin ako dinadala ng nararamdaman ko,”

“No, I m-mean nito lang kayo nagkakilala. Siguro nga nariyan siya noong mga panahong kailangan mo ng dadamay sa’yo. Ibig ko sabihin, hindi kaya nasasabi mo lang na gusto mo siya kasi nakahanap ka ng karamay sa kanya?”

Kunot noo akong kumalas sa pagkakayakap niya sa’kin.

“Ganoon ba ako kababaw sa paningin mo?”

“No… hindi naman sa ganoon, it’s just tha-“

“Hayaan mo na, huwag na lang natin pagusapan ‘yon.” Pagiwas ko.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan at pumikit. Muli akong tinawag ni Liam pero hindi na ako nagmulat pa. Abala ang isip ko sa paglalayag.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung huli kaming magkita ni Zach. Tuluyan na siyang hindi dumating nung araw na nangako siyang babalik siya. Walang text o tawag, walang kahit ano.

Dalawang araw ko din inabangan ang pagdating ng delivery boy na siyang laging nagdedeliver sa ’kin ng bulaklak, halos maaga ako gumigising dahil umaasa ako na baka matagal na naman siyang naghihintay sa labas ng bahay, pero wala. Walang bakas ni anino.

Promise In The WindWhere stories live. Discover now