Wattpad Original
There are 12 more free parts

✥ 27

22.1K 388 15
                                    

LISSIE

"Bakit hindi ka papayag?" nakangusong tanong ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Why would I? Hindi mo na kailangan ng gano'n. I'll tell Kate to cut those crap." umiling siya. "That woman."

Ngumiwi ako. "Huwag mo siya sisihin. Bakit nga kasi ayaw mo? Natatakot ka ba na baka may gawin akong kalokohan?"

He frowned. "No. I trust you, Lis. Wala sa bokubularyo mo ang magloko. And we both know that."

"Sa'yo na mismo yan nanggaling. So dapat payagan mo ako, kasi wala naman talaga akong gagawing kalokohan. At kailab ba ako gumawa ng kalokohan, hmm?" nakahalukipkip na tanong ko.

He smirked. "Don't push your luck, baby."

Tumitig ako sa kanya ng may katagalan bago bumuntong hininga. Umalis ako sa pagkakaupo sa kandungan niya at nagsimula ng magbihis nang hindi siya tinitingnan.

"Liss..." pagtawag niya pero hindi na ako lumingon at nagpunta na lang ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Bakit kasi ayaw niya pumayag?

Is he afraid that I might do something he wouldn't like? I mean... I'm sure there will be liquors and such, kalokohan na ba agad 'yon? Nagwoworry ba siya na baka may lalaki doon at maattract ako? Oh, makipag-flirt?

That's impossible to happen. Hindi kailanman sumagi sa isip ko 'yon kahit noong wala pa siya sa buhay ko. I'm not into those kind of things.

Maybe he's at his paranoid mode again, huh? Takot sa sariling anino.

I sighed. I know... kung hindi pa rin niya ako papayagan umattend sa party na 'yon,  tatanggapin ko na lang rin. Kaunti na lang.

But then, I want to atleast push my luck. I don't want to disappoint Kate, either. I know she's very excited in this one.

I heard footsteps coming near me. Inabala ko ang sarili ko sa pag inom. Narining ko ang malalim na buntong hininga niya bago ipinulupot sa katawan ko ang matikas niyang braso. Dinig ko ang marahan na paghinga niya sa tainga ko.

"Just promise me you will be a good girl." he whispered in my ear.

Agad akong napaharap sa kanya ng maintindihan ang sinabi niya. Iniikot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg.

"Payag ka na?" I asked. Happiness was plastered on my face.

He sighed. "I can't stand seeing you sad." he whispered huskily as he licked his bottom lips.

Damn those tempting lips!

"Kailangan mo magtiwala sa'kin, Zach."

"I do, baby. Believe me, I do trust you. Pero yung mga nasa paligid mo ang hindi ko pinagkakatiwalaan." he sighed. "Knowing Kate, she's a pain in the ass."

Humalakhak ako sa sinabi niya. "At hindi ibig sabihin non, gagawa na ako ng mali. Ako pa rin ang may hawak ng isip ko. Nasa sa'kin na 'yon kung hahayaan ko ang sarili ko na gumawa ng bagay na alam kong hindi tama." I explained thoroughly while stroking his nape.

Bumuntong hininga ulit siya at tumungo ng ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa'kin.

"Fine. Alam mo naman na kung anong mga ayaw ko. You can drink, pero wag masiyado. Susunduin din kita pagkatapos. Kailan niyo ba gagawin?"

Finally! But then, my lips suddenly protruded. "Gusto ko uminom. Hindi pa ako nakakaranas uminom simula pagkabata. Pero natatakot ako na baka hindi ko kaya."

He chuckled. "Then don't. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo."

Tumango-tango ako. "Susubukan ko pa rin. Besides, susunduin mo naman ako, diba? So, if ever na may mangyari, alam ko na magiging safe ako." I murmured as I caressed his soft and thick hair.

Promise In The WindWhere stories live. Discover now