Wattpad Original
There are 20 more free parts

✥ 19

26.2K 443 16
                                    

Chapter 19

Lissie

“You sure you want to ride in here?”

“Oo naman. Ayaw mo ba dito? Ayos lang naman kung hindi mo ako samahan.”

“N-No. I was just asking you.” Agap ni Zach.

Kanina pa siya ganyan. Parang takot na takot na sasakay kami dito sa space shuttle. Ano ba ang nakakatakot sa ganito? Sasakay lang naman siya. Nakakailang rides na din kami at wala naman siyang reklamo. Bakit dito ay parang gusto niyang umurong bigla?

Malapit na rin mag-tanghali. Hindi rin naman ako makaramdam ng gutom. Marahil ay dahil sobrang nag eenjoy kami, lalo na ako.

Nakikisabay din sa pagsasaya namin si Buster. Sa totoo lang ay No Pets Allowed ang rules nila. Pero dahil si Zach ay si Zach, pumayag sila. Kung sa paanong paraan sila pumayag, hindi ko alam… at hindi ko na inalam.

Nung sumakay kami sa may Rio Grande kung saan dadaan ang sinasakyan namin sa tubig ay literal kaming nabasa, ultimo si Buster ay basang-basa. Napilitan tuloy kami bumili ni Zach ng damit dahil wala naman kaming baon. Mabuti na lang at mayroon ditong shop na nagtitinda ng mga souvenir shirt.

Halos lahat yata ng rides ay nasakyan namin, itong space shuttle na lang ang hindi. Kaya naman nagtataka talaga ako kay Zach at parang nagkaroon biglang ng pag-aalinlangan. Hindi kaya… napangisi ako sa naisip.

“Pst!” pagtawag ko habang marahang siniko siya sa bewang niya. He raised his eyebrow. Sungit! Inginuso ko ang space shuttle. “Natatakot ka, ano?”

Umawang ang labi niya. “Me? S-Scared? Who gave you that idea?”

“Wala naman, naisip ko lang.” tudyo ko, pinipigilan ang sarili bumunghalit ng tawa.

Agad siyang humarap sa akin mula sa pagkakatingala niya sa space shuttle. “Are you making fun of me, woman?”

I smiled sweetly at him.

“Siyempre hindi. Concern lang ako sa’yo. Alam mo namang mahal kita. Kaya kung ayaw mo sumakay, hindi kita pipilitin.” I said wrapping my arms around his waist.

He chuckled as I felt his chest reverberate. “You know now how to make your way, huh? Don’t push your luck, baby.”

I pouted. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. I sighed.

“Hindi na malambing ‘to.”

“Do that when we’re alone.” He whispered in a husky voice while smirking down at me.

Ngumiwi ako. “Diyan ka magaling!”

Nagdiretso na ako patungo sa space shuttle kasama si Buster at iniwan siya.

I heard him laugh as he called me. “Liss, are you really sure you want to ride there?”

Ayan na naman siya!

“Hintayin mo na lang kami makababa pagkatapos, ha?” kalmadong sabi ko habang hinahaplos ang mamasa-masa pang buhok ni Buster.

“No, we’ll ride together.” I heard him mumble something under his breath, but I didn’t hear it clearly.

He quickly went beside me, sabay kaming pumunta sa bakante sa space shuttle. Habang iniaayos ang mga dapat for safety protections, nakita kong medyo pinagpapawisan si Zach.

“Ayos ka lang?” tanong ko muli.

“Y-Yeah,” he said.

What’s wrong with him?

Promise In The WindWhere stories live. Discover now